Rules sa MMFF babaguhin na!

Almost two months pa lamang natatapos ang 38th Metro Manila Film Festival (MMFF) pero last Monday, Feb. 25, kasabay ng celebration ng 27th People’s Power, ginanap na ang appreciation dinner at launching ng 39th MMFF sa H2O Hotel, Luneta, Manila. 

Pinangunahan ni Metropolitan Manila Deve­lop­ment Authority (MMDA) Chairman and MMFF Executive Chairman Francis Tolentino ang pama­mahagi ng cash prizes sa winners after mag-perform ang new child wonder na si Ryzza Mae Dizon ng kanyang famous cha-cha dance na sabi nga ng host na si Ms. Boots Anson Roa, ang bagets lang ang na­ka­pagpatayo kay Chairman Tolentino.

Ilan lamang sa artistang winners ang present, si Dingdong Dantes, Best Actor ng One More Try, Wilma Doesnt, Best Supporting Actress for Sisterakas, Allan Paule for New Wave entry na Gayak, Direk Brillante Mendoza sa Best Director, at siya rin ang tumanggap ng prize ni Nora Aunor, Best Actress for Thy Womb. 

Ang bago for the 39th MMFF ay ang crea­­tion ng New Wave Animation category at ang creation ng MMFF Review Commit­tee na pag-aaralan at ii-improve ang ka­sa­­lukuyang rules, regulations and im­ple­men­ting programs ng MMFF.

Nagpa-interview si Dingdong bago siya bu­malik sa taping ng drama series niyang Pa­hiram ng Sandali dahil pinayagan daw lamang siya ni Direk Maryo J. delos Reyes na umalis. Natanong kay Dingdong kung ano naging feeling niya sa dream-come-true experience niya na nakasakay siya sa L-39c jet fighter/trainer plane of the Breitling Jet Team of England na bumisita sa bansa as part of their 2013 Asian Tour. At bakit hindi niya isinama ang girlfriend na si Marian Rivera?

“Takot si Yan sa ganoon. Hindi nga siya sumasakay ng rollercoaster, baka mabasag ang salamin ng jet sa katitili niya,” nagbibirong wika ni Dong. â€œSeriously, kino-consider ko sa list of profession ko na maging pilot, pero saka na iyon, marami pang dapat gawin.”

Samantala, two weeks na lamang tapos na ang Pahiram...

Hindi pa alam ni Dingdong kung may MMFF 2013 entry siya pero may gagawin siyang movie sa Viva Films, first team-up nila ni Anne Curtis. May susunod na rin siyang drama series sa GMA 7 pero wala pang ibinibigay na details ang manager niya.

 

 

Show comments