Sen. Bong buhos ang atensiyon sa Indio

MANILA, Philippines - Pinangunahan ni Senator Bong Revilla, Jr. ang lead cast ng Indio na dumayo ng tatlong araw sa Baguio City kaugnay ng taunang Panagbenga Festival. Sunday na dumating ang senador sa City of Pines na naglakad sa kahabaan ng kalye papunta sa float ng Indio.

Tuwang-tuwa si Senador Bong sa mainit na pagtanggap ng tao sa kanya. Indio na ang tawag sa kanya at hindi na ang tunay niyang pangalan.

Pero bago ang actual na festival last Sunday, nasa Baguio na ang ilang cast members gaya nina Rhian Ramos, Ehra Madrigal, Sheena Halili, Ellen Adarna, at iba pa. Kaya naman higit na nadagdagan ang katuwaan ng dumayo sa festival nang masilayan nila ang kaguwapuhan ng senador.

Ngayong kasi na walang sesyon sa Senado, pi­­nag­bubuhusa ng atensiyon ni Sen. Bong ang Indio na patuloy na tinangkilik ng manonood sa GMA.

                                                          

 

Show comments