Nag-resume na ng taping si Sam Milby para sa Against All Odds with Judy Ann Santos kaya medyo hirap siya ngayon sa kanyang schedule dahil dalawang magkasabay na teleserye na ang ginagawa niya.
As we all know, nasa cast din si Sam sa Kahit Konting Pagtingin as leading man ni Angeline Quinto na kasalukuyan nang umeere.
Ayon kay Sam, ito ang first time na nagsabay siya ng dalawang teleserye in his seven years in the business pero hindi naman siya nagrereklamo and very thankful nga sa lahat ng blessings na dumarating.
Matatandaang two years ding naging inactive si Sam sa local showbiz dahil nga nagpunta siya ng US to pursue an international career pero ngayong 2013 ay bumabawi naman siya dahil sa sobrang dami ng naka-line up sa kanya.
“So, parang nagsisimula ulit. I mean, after PBB (Pinoy Big Brother), ganun din noon ang schedule ko na walang tulog,†sabi ng actor-singer.
Bukod dito ay may sisimulan din siyang pelikula kung saan ay makakasama niya ang ex-girlfriend na si Anne Curtis. Co-produced ng Viva Films and Star Cinema ang nasabing movie at excited na raw ang aktor although hindi pa niya alam kung talagang tuloy ito.
“Hindi pa kami nag-story conference siyempre ’pag dito sa Pilipinas hangga’t hindi pa nag-start ’yung shooting mismo hindi mo alam kung matutuloy. May script na pero ’yung storycon hindi pa. Excited ako and I know na medyo ’yung kuwento at nakakatawa siya. Nakakatawa siya talaga,†imporma ni Sam.
Matatandaang nagkasama na sila ni Anne during the time na girlfriend pa niya ito sa pelikulang Babe I Love You at naging hit din ito kaya naman muli silang pagsasamahin this time.
Sam is still single at matapos silang mag-break ni Anne ay wala pa siyang ina-announce na girlfriend ulit sa public habang ang aktres naman, as we all know ay nakatagpo na ng bagong pag-ibig sa katauhan ni Erwan Heussaff.
Recently, inamin ni Sam na may paghanga siya kay Shaina Magdayao at gusto niyang makilala nang husto ang dalaga pero up to now ay wala pang development dahil nga sa rami ng kanyang ginagawa.
Convergence ginagastusan ng Net 25
Tatahi-tahimik ang Net 25 pero sa totoo lang maÂrami rin silang interesting shows. Isa sa nagre-rate nilang show ay ang Convergence na isang techÂnoÂlogy show hosted by Nikki Veron at ngayon ay nadagdag nga sina Kyle Nofuente at Christopher Wong.
And would you believe, 13 years nang umeere ang programa and, in fact, ito ang longest-running show ng Net 25? This means na talagang gusto ng mga tao ang nasabing technology show.
Ngayong buwan ay magkakaroon ng mga pagbabago sa Convergence para mas lalo pang magustuhan ng mga manonood na mahilig sa technology.
Ginagastusan talaga ng Net 25 ang Convergence, na napapanood every Saturday, 8:00-8:30 p.m., dahil recently ay nag-location pa sila sa Bagac, Bataan kasama ang ilang entertainment press.