Totoo nga pala ang tsikang dahil sa pagseselos ni Mariel Rodriguez sa love scenes ng mister na si Robin Padilla kay Kris Aquino sa Kailangan Ko’y Ikaw, ayaw na raw pumayag ni Anne Curtis na magkaroon pa ng ganito ring mga eksena kay Binoe.
Sa latest interview ni Anne sa ilang working press, sinabi niyang babae rin siya at inirerespeto’t naiintindihan niya ang nararamdaman ni Mariel kaya nga raw ayaw na niyang saktan pa ang dating fellow Kapamilya.
Pero ayon naman sa mga tsismis-tsismisan, naloka raw talaga kasi si Anne sa naging reaksiyon ni Mariel sa love scenes nina Binoe at Kris and became really controversial kaya para raw huwag na siyang madamay pa sa controversy ay iwas-pusoy na lang siya.
Dapat talaga ay may matitinding love scenes si Anne kay Binoe at ang alam nga namin ay mas sexy and daring ang mga eksena nila than Kris.
Pero dahil nga sa nangyari, tumanggi na si Anne na ituloy pa ito.
Si Kris naman, dahil nga sa may sakit na siya ng kanser sa story, wala na rin daw silang love scenes ni Binoe.
Aiza hindi pa bibitaw sa Be Careful…
Naglabas ng official statement ang ABS-CBN tungkol sa mga espekulasyon na nag-resign na si Aiza Seguerra sa Be Careful with My Heart.
Ayon sa head ng Corporate Communications na si Mr. Bong Osorio, wala raw itong katotohanan.
“Aiza Seguerra is a valued member of the top-rating Kapamilya daytime series Be Careful With My Heart family and her character, Kute, is integral to the narrative of the show. It is not true that she has resigned from the show,†saad ng official statement.
Lately kasi ay madalas na absent si Kute sa romantic comedy show kaya ito marahil ang dahilan kung bakit nagkaroon ng speculation na magre-resign na siya.
Azrah ayaw isikreto ang pagiging misis sa Egyptian
Official candidate pala ang baguhang singer na si Azrah sa Mrs. Asia International sa Kuala Lumpur, Malaysia sa June.
“Medyo challenge sa akin ito. Siyempe, pangarap ko rin ito,†sabi ni Azrah nang makaÂtsikahan namin siya recently.
Preparasyon din daw ito dahil sasali rin siya next year sa Mrs. World. Pangarap niya talaga ang pagiging beauty queen.
Bakit hindi niya ito ginawa nung single pa siya?
“Pangarap ko kasi noong pumunta ng abroad. Dun ako nanirahan dahil ’yung sister ko nakapag-asawa ng Chinese ’tapos nandun daddy ko hanggang makapag-asawa ako run,†sabi ng aspirant.
Tatlo na ang babies niya ngayon at Egyptian ang asawa niya. Supportive ang husband ni Azrah at may trust sa kanya sa pagpasok niya sa showbiz. Katunayan, ito pa ang nag-convince na subukang magseryoso sa pagkanta niya dahil may boses din siya.
“Sabi ko nga nung una, hindi na. May anak na ako,†kuwento niya.
Pero asawa pa niya ang nag-compose ng dalawang kanta sa CD lite album niya na Walk with Me at Lonely Nights.
Nung launching niya ay kinanta niya ang kanyang single na Di Ba’t Ikaw. Pero ang magiÂging carrier single niya ay ang Sa Piling Mo na kinanta ni Sheryn Regis dati sa isang serye ng Dos.
Samantala, kasama si Azrah sa Pusong Bato Dabarkads na post-Valentine show nina Xian Lim, Wally Bayola, and Jose Manalo and the original singer of Pusong Bato na si Aimee Torres sa Zirkoh Morato sa Quezon City this Saturday, Feb. 23.
For tickets, please call 0917-8138266.