Aktor na hindi pinatos ang panghahalay ng baklang bossing, tinigok sa serye!

Mga baguhang aktor ang sabay na ipinasok sa isang teledrama. Ang isa masuwerteng humaba ang role. Ang pangalawa, tsugi agad sa show.

Ang kumalat na dahilan, galing sa mga beking staff ng teleserye, may attitude problem agad ang tinanggal at may bisyo pa sa droga!

Nagprotesta ang bagong salta at sinabing “sana inalis na lang nila ako sa show at hindi na siniraan pa nang walang katotohanan. Kaya ako nakainitan, hindi ko pinagbigyan ang mga pagtatangka ng isang gay executive nila. Hindi ako bumigay sa gusto nilang mangyari.”

Ang mapagbigay na kasabay niya, mukhang may future sa showbiz!

Lito Lapid tatanggap ng Nora Aunor award

Sina Piolo Pascual at Iza Calzado ang dalawa sa magiging apat na host ng PMPC Star Awards for Movies on March 10 na itatanghal sa AFP Theater. Hindi pa kasi kumpirmado ang dalawa pang makakasama nila.

Sa 29th edition ng Star Awards for Movies, ibibigay kay Sen. Lito Lapid ang Nora Aunor Ulirang Artista Award. Nagsimula bilang extra, movie worker, bit player, at stuntman si LL bago itinanghal na action superstar. Nakapareha niya sa pelikula sina Nora Aunor, Vilma Santos, at ilan pang leading actresses noon.

Nagsimula naman siya bilang vice governor at governor ng Pampanga bago siya nahalal na senador, na nasa kanyang ikalawang termino na. Sa Senado kinilala si LL bilang isa sa may pinakamaraming nagawang batas.

Louise delos Reyes nagsimula nang mag-shooting ng international movie

Nagsimula na ang shooting ng international movie, Island Dreams, sa Calatagan, Batangas, with Louise delos Reyes as leading lady. Katambal niya ang isang French/Chinese actor, na tourist worker ang role, assigned sa Pilipinas.

Kaya maraming magagandang tanawin sa bansa ang ipapakita sa Island Dreams. Tiyak na magkakaroon din ng iba pang Pinoy stars na makakasali sa pelikula.

Dating starlet gagawan ng international version ang Noli Me Tangere

Mapangahas ang pangako ng isang starlet named Rena Mae Mercado, na bubuhayin niya ang Pinoy movie industry. Pumasok sa showbiz si Mercado noong ‘80s, hanggang naging OFW siya ng 20 years sa Dubai at nagtrabaho pa sa UK.

Nakakuha ng mga foreign investors ang former actress, na darating daw sa bansa on Feb. 26. Una nilang project ang international version ng Noli Me Tange­re na ididirek din ni George Vail Kabristante, matapos gawin ang indie edition ng dakilang nobela ni Dr. Jose Rizal.

Sana nga dumating ang mamumuhunan.

Si Rena Mae ay sister ng dating starlet na si Ada Alberto.

Nadisgrasyang magaling na actor mahina ang katawan dahil sa bisyo!

Muntik na palang hindi matuloy ang operasyon ng nadisgrasyang aktor. Mahina kasi ang kayang katawan dahil sa bisyo at natakot ang mga doctor na baka hindi tanggapin ng pasyente ang mga gamot na kailangan niyang inumin.

Takot din sila na baka hindi tumalab anag anesthesia at mamilipit sa sobrang kirot ang aktor, while he is under the knife. Hindi naman nawalan ng pag-asa ang kanyang mga kaibigan sa showbiz, kaya’t ang balita ay on the road to reco­very na ang dating mahusay na artista.

 

Show comments