BB dismayado sa dyowang European, usapang pagkikita ’di tinupad

Kahit disappointed ay ayaw magpaapekto ni BB Gandanghari dahil hindi dumating last week ang kanyang European boyfriend na invited niya sana para sa kanyang first stage play na Halik ng Tarantula. Ayaw nang magbigay ng ibang detalye tungkol sa kanyang dyowa, dahil hindi pa sila nag-uusap, maliban sa ipinagmamalaki naman niyang magaling itong magluto.

Si Robin Padilla naman ay hindi niya inimbitahan para panoorin ang kanyang performance. “Huwag na lang muna, saka na kapag ready na siya,” paliwanag nito sa kanyang prescon nung Sabado.

Pero okay naman daw sila ng kanyang mama Eva Cariño at priority niya na maging maayos ang kanilang relasyon.

Hanggang ngayon ay himpis pa rin ang mukha ni BB dahil consistent daw siyang magpanhik-manaog sa kanyang condo na nasa 9th floor sa tinutuluyan niya. Hindi rin siya apektado sa comment na kailangan niya ng stylist lalo na sa kanyang buhok na mukhang dry.

“Ganun? I like my hair,” sabay hawak sa kanyang buhok.

Samantala, may tatlong Valentin si BB na magiging partner nito sa kanyang palabas na sina Jet Alcantara, Xyruz Cruz, at Jovic Monsod na ipapalabas sa March 7, 8, at 9 sa Teatrino Performance, Greenhills, San Juan.

Show comments