Muntik nang masungkit ng Pinay ang titulong Asia’s Next Top Model noong nakaraang Sunday, Feb. 17, sa Singapore.
Nakuha ng Philippine representative na si Stephanie Retuya ang puwestong first runner-up sa Asia’s Next Top Model, ang Asian franchise ng pamosong reality-model search na America’s Next Top Model.
Ang nagwagi ng titulo ay ang taga-Thailand na si Jessica Amornkuldilok. Second runner-up naman si Kate Ma ng Taiwan.
Marami ang nagulat sa 23 years old na taga-Laguna nang marating nito ang Final Three dahil bukod sa hindi ito nananalo ng best photo sa anumang photo challenges nila, limang beses pa itong napunta sa Bottom Two. Nabansagan nga si Stephanie na “underdog†ng naturang contest.
Para sa final challenge nila, may ginawa silang TV commercial for Canon, isang photo shoot for Harper’s Bazaar, at ang runway challenge na suot nila ang creations ng sikat na designer from Singapore na si Frederick Lee.
Sa finalé night nga na ginawa sa Resorts World Singapore, dumalo ang creator at host ng America’s Next Top Model na si Tyra Banks.
Na-impress si Tyra sa runway walk at sa TV commercial ni Stephanie kaya pinuri niya ito.
“I thought your runway walk was spectacular. You have sass but you’re also very sweet. This is a model now although she is not modeling,†sabi ni Tyra.
Pero naging weakness ni SteÂphanie ang kanyang photo shoot for Harper’s Bazaar magazine.
Puna ni Tyra: “You were thinking strength but not giving strength.â€
Kakasimula nga lang ni SteÂphanie ng kanyang modeling career noong mabuntis ito at manganak. Pero tinuloy pa rin niya ang kanyang dream at hindi naging hadlang ang kanyang pagiging isang ina.
Inamin nito sa show na nahirapan siyang malayo sa kanyang anak noong mapili siya bilang Philippine representative for Asia’s Next Top Model. Never pa kasi itong nakakalabas ng bansa at napakamahiyain daw niya.
Pero dahil sa contest, na-boost ang kanyang confidence at nagpapasalamat ito na nakaabot siya sa Final Three.
Bilang winner ng Asia’s Next Top Model, meron na siyang kontrata with London-based Storm Models that represents supermodels Kate Moss and Cindy Crawford. The contract includes a three-month, all-expense working trip to London, England.
Magiging cover din siya ng Harper’s Bazaar magazine, a 2013 campaign for Canon IXUS, a new Subaru XV, and $100,000 cash prize.