^

Pang Movies

Batang aktres nilalabasan na ng sungay, nahahawa sa nanay na nagpi-feeling sikat

SO....CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

May hindi na magandang repustasyon ang batang aktres na sumikat dahil sa isang bonggang TV series. Kung noon ay kay bait-bait at walang kibo sa taping, ngayon ay lumabas na ang mga maliliit na sungay nito.

Ayon nga sa production staff ng naturang TV series, unang nagkaere raw ay ang ina ng batang aktres. Kaya naman hindi sila nagulat na nahawa na ang batang aktres sa inaarte ng ina nito.

“Akala ng nanay nitong si batang aktres ay siya ang artista. Mas makapal pa ang makeup kesa sa anak niya,” puna ng makeup artist.

“Imagine, nagpapa-make up sa set namin ng libre. Wala man lang na inaabot na pakimkim kasi pinaganda namin siya. Pinagbibigyan lang namin ang bruhang ’yan dahil baka magsumbong sa kataas-taasan. Kami na ang inaabuso, kami pa ang mapapagalitan ng mga abusadong taong ’yan,”

Panay pa raw ang sulsol ng stagemother sa kanyang anak na super sikat daw.

“Naku, nilalagay sa isip ng anak niya na sikat na sikat na ito. Kaya ’yung bagets, nag-feeling na. Nagkaroon na ng attitude kapag nagte-taping kami.

“Kaya sagana sa sabunot ang bagets na ’yan sa amin. Kunwari aayusin namin ang braid ng buhok niya pero pasimpleng sinasabunutan namin ’yan. Maliit na bruhita ang batang ’yan kaya wala kaming guilt kapag sinasaktan namin ’yan,” natatawang sabi pa ng makeup artist.

Maging ang mga artista na kasama ng batang aktres sa TV show ay pinakitaan ng kamalditahan ng ina at pati ng batang aktres mismo. Sa isang fans’ day daw ay gumawa ito ng eksena na ikinagulat ng mga co-star nito sa show.

“Aba, kumaway na akala mo siya ang bida ng show. ’Tapos nag-dialogue pa na siya raw ang bida at mga laos na ang mga kasama niya. ’Kaloka ’di ba? Paano masasabi ng bagets iyon kung walang nagturo? Kaya mainit ang ulo namin sa mag-inang ’yan,” gigil na kuwento ng aming source.

Kaya naman tuwang-tuwa ang staff na walang masyadong project ang batang aktres. Panay nga raw ang tanong ng ina nito kung kelan magkaka-show ulit ang anak niya pero dedma lang ang staff.

 

vuukle comment

AKTRES

AYON

BATANG

KALOKA

KAYA

MALIIT

NAMIN

PANAY

YAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with