Biglang kumalat ang mga tsismis na ngayon ay tatlong buwan nang buntis si Iwa Moto at siyempre ang ama ng kanyang dinadala sa kanyang sinapupunan ay ang kanyang boyfriend na si Pampi Lacson.
Wala namang problema dahil nagulo na nga ang kanyang career at simula naman noon ay nawalan na siya ng trabaho. Hindi nga maliwanag sa amin kung talent pa ba siya ng GMA o hindi na pero malakas ang aming kutob na nag-expire na ang kanyang kontrata at pinabayaan na lamang ganoon. Kaya wala siyang sabit sa kanyang career at siguradong maging sa personal.
Sa kaso naman ni Pampi, hindi pa nga siya nakakakuha ng annulment ng kasal nilang dalawa ng aktres na si Jodi Sta. Maria at dahil doon ay hindi niya maaaring pakasalan sa ngayon si Iwa. Pero mukhang masaya na naman ang buhay ni Jodi na ang kasama naman ay si Jolo Revilla.
May anak din si Jolo kay Grace na anak ni Rosanna Roces pero matagal na iyon at may asawa na ring iba si Grace. At hindi naman sila kasal ni Jolo.
Bugaw nabaliw sa aktres na demanding pero nang tanggihan ay naghabol!
May tsismis ang isang kilalang showbiz pimp. Nang kinakausap daw niya ang isang aktres para ipakilala sa isang DOM (dirty old man), ang daming naging demands bukod sa malaking bayad. Dahil sa mga demands ay hindi natuloy ang booking.
After a few days tumawag daw ulit ang aktres sa showbiz pimp at sinasabi na kahit na wala ang kanyang demands, at kahit na tawaran pa ang kanyang presyo, okay na lang. Nabaliw ang pimp.