May repeat ang Foursome concert nina Ogie Alcasid, Martin Nievera, Pops Fernandez, at Regine Velasquez, due to insistent public demand.
Sold out ang tickets ng Valentine concert ng apat at marami pa ang hindi nakakapanood kaya nag-decide agad ang producer na si Ana Puno na magkaroon ng repeat.
Ang sabi ni Ogie sa akin, hindi pa rin sila co-producer ng repeat na magaganap sa March 15. Ang suwerte-suwerte ni Pops dahil sa apat na performers, siya lang ang co-producer ni Ana sa Foursome.
At dahil bumenta nang husto ang concert, dapat magpatawag si Ana ng thanksgiving party o thanksgiving presscon para maniwala ako na talagang hit na hit ang Foursome.
Wagas na pag-ibig!
Nakakaiyak ang featured story ng 24 Oras noong VaÂlentine’s Day tungkol sa babae na pinakasalan ng kanyang boyfriend, kahit Stage 4 na ang ovarian cancer niya.
Tumulo ang luha ko habang pinapanood ang kuwento ni Julius Serrano at ng kanyang girlfriend na si Jennifer na naka-confine sa Manila Sanitarium & Hospital.
Cameraman si Julius sa GMA 7 at researcher ng Unang Hirit si Jennifer. Noong nililigawan siya ni Julius, sinabi ni Jennifer na huwag nang ipagpatuloy ang panliligaw dahil sa kanyang karamdaman. Hindi sila puwedeng magkaroon ng anak dahil may kanser siya sa ovary.
Hindi na-discourage si Julius kaya nagkaroon sila ni Jennifer ng relasyon. Very touching ang eksena ng pagpapakasal ng dalawa noong Valentine’s Day habang umiiyak ang kanilang mga wedding sponsor na sina Suzi Entrata at Susan Enriquez.
Wala nang buhok si Jennifer dahil sa chemotherapy pero gumamit siya ng wig sa araw ng kasal nila ni Julius. Si ReÂgine Tolentino naman ang gumawa ng kanyang wedding gown at ginanap ang reception sa canteen ng ospital.
Gumawa ako ng paraan na mahanap at makausap si Julius. Si Arnold Clavio ang isa sa mga napagtanungan ko at siya ang nagbigay sa akin ng contact number ni Julius na naÂÂkaÂusap ko kahapon habang nasa presscon ako ng OPM (Organisasyon ng mga Pilipinong Mang-aawit).
Tinanong ko si Julius kung puwedeng dumaan siya ngaÂyon sa studio ng Startalk. Hindi ang kanyang sagot dahil binabantayan niya sa ospital si Jennifer.
Sinabi ko kay Julius na ibibigay ko na lang kay Lhar SantiaÂgo ang wedding gift ko para sa kanila ni JenÂÂniÂfer. Hindi ko personal na kilala ang dalaÂwa pero maluwag na maluwag sa kalooban ko na bigÂÂÂyan sila ng wedding present dahil sa kanilang touching at inspiring love story.
Ang pagmamahal ni Julius kay Jennifer ang klase ng tunay at wagas na pag-ibig. Naniniwala ako sa mga himala kaya sa tulong ni God, puwedeng gumaling si Jennifer, kahit Stage 4, na ang kanyang sakit.
Ikinuwento rin sa akin ni Lhar na masipag si Julius. Nagtrabaho pa siya sa bisperas at mismong araw ng kanyang kasal.
Kabilang si Lhar sa mga wedding sponsor kaya alam na alam niya ang love story nina Julius at Jennifer na puwedeng isadula ng Magpakailanman dahil talagang kapupulutan ng aral.