Nag-research pa si Cesar Montano para maging makatotohanan ang pagganap sa The Turning Cradle: The Alfredo S. Lim Untold Story. Nang gampanan ang karakter ni Lim ay saka lang niya napagtanto ang buong pagkatao nito mula noong siya’y maliit pa na inabandona ng ina dahil hindi kayang suportahan kaya dinala ito sa mga madre sa Hospicio de San Jose. Hinangaan niya ito dahil kahit lumaki sa hirap ay nakapagtapos naman ng abogasya hanggang sa maging matagumpay sa buhay.
Noong 1950’s kinilala ang kabayanihan ni Lim dahil isa siyang bemedalled police officer kung saan ang mga accomplishments ay ipakikita sa pelikula. Isa rin sa accomplishment nito ay ang pagtulong at pagprotekta sa pamahalaan ng daÂting presidenteng si Cory Aquino laban sa mga leftist elements o makakaliwa.
Kumusta naman si Cesar bilang director? Tanong namin kay Alessandra de Rossi na gumanap na Mrs. Amalia Lim, maybahay ni Alfredo.
Anang aktres : “Mabait si Buboy, masaya at makulit. Napagtripan niya ako minsan nang itago ang aking cell phone. Hindi mo siya makikitang nagagalit.â€
Bago natapos ang presscon ay humingi ng pahayag mula kay Cesar para mabigyang liwanag ang tampuhan nila ng asawang si Sunshine Cruz.
“Nasa proseso kami ngayon na ayusin ang aming pamilya. We’re not perfect. Tao lang na nagkakamali, hiling ko lang sa inyo na sana’y maunawaan ninyo kami. I love my family dearly at sila ang nagbibigay ng inspirasyon sa akin, gusto kong lumaki ang mga anak ko kasama si Sunshine,†aniya.
Magkakaroon ng premiere night ang pelikula sa Pebrero 26 sa SM Manila at ipalalabas ito sa mga sinehan sa Pebrero 27 at iri-release ng Solar Entertainment Corporation.