MANILA, Philippines - Alam na ni Marian Rivera kung paano kapain ang ugali ni Richard Gutierrez kahit limang taon ang lumipas bago uli sila nagsama sa pelikula, itong My Lady Boss. In fact, nagiging taga-aliw siya ng aktor sa set dahil alam naman nating wala sa bansa ang girlfriend niyang si Sarah Lahbati.
Dati raw kasi hindi niya kinakapa si Chard. “Naku, huwag na nga ’yang kapa-kapa! Tantanan na natin! Hahaha!â€
Pero kailangan niyang tantiyahin siyempre ang taong makakatrabaho niya, ’di ba?
“Ano ba ‘yan? Tantiya! Kapa! Ayyyy!†tili ni Yan-Yan.
Dagdag pa ng aktres, tantanan na ang malisya. Basta sa ngayon ay masasabi niya na mas OK sila.
“Kay Chard masasabi ko na komportable ako sa kanya,†katuwiran ng bida ng Temptation of Wife.
Nabalandra ang pagiging komportable nila sa isa’t isa nung ginawa nila ang Extra Challenge. Hindi ba dumating sa point na pinagselosan sila ng kani-kanilang dyowa?
“Bawal po ang personal questions…Pero wala namang pagseselos. Saka nakakasuya na ang selos,†tugon ng GMA Primetime Queen.
Sa muli nilang pagsasama sa pelikula, maging sa kissing scenes ay walang ilangan sa kanila. Bagkus ay nagbibiruan pa sila bago kunan ang ngasaban ng labi.
Sheryl Cruz representative ni Grace Poe
Ni-represent ni Sheryl Cruz ang pinsan na si Grace Poe-Llamanzares nung gala night ng Daragang Magayon na ginawa sa Cultural Center of the Philippines last Friday. Pet project kasi ang modern ballet-musical play ng Albay governor na si Joey Salceda at alam ng lahat na member ng Liberal Party ang mabait pero matapang na governor.
Actually, hindi lang si Grace ang invited sa palabas dahil dumating din doon ang senatoriables ng LP na sina Cynthia Villar at Sonny Angara. No show ang mga Bicolano na sina Nora Aunor at Aga Muhlach.
Nang makausap namin si Gov. Joey, very satisÂfied siya sa pag-i-stage ng Daragang Magayon. KaÂya naman sa selebrasyon ng Magayon Festival nitong April 1 and 2, ipapanood naman niya ito sa mga Albayenos upang masaksihan ang makabagong paglalahad ng alamat ng Bulkang Mayon!