Robin hindi nakatulong sa show ni Mariel?

Hinabol pa ni Robin Padilla sa Wowowillie upang ayusin ang tampo ng kanyang misis na si Mariel Rodriguez. Sa show tinanggap muli ng TV host ang singsing na isinoli sa kanyang mister.

Ilang minuto rin ang drama nilang televised nationwide. Nakatulong kaya sa rating ng palabas?

Foursome dadalhin na hanggang US at iba pang bansa

Each of them has achieved almost everything as successful  individual artist, so, why did they join forces to topbill the live Valentine concert at Mall of Asia’s Arena billed as Foursome?

Lalo kaming nagtaka nang magsimulang magreklamo si Martin Nievera: ‘‘Tig-isang spot number lang kaming apat nina Regine Velasquez, Ogie Alcasid, at Pops Fernandez. Karamihan mga medley — duet or quartet.’’

But the four have started to appreciate such a different and formidable repertoire. The kind which they are performing for the first time in their entire career. Mga production number na ngayon lang nila gagawin. Pati nga silang apat, nagulat sa pambihirang show noong una silang mag-rehearse!

Kaya hindi nakakagulat na sold out na ang tickets para sa Foursome live concert on Feb. 14. Pinagmimitingan na nila ang repeat show at ang posibleng madala ang buong Foursome show sa iba’t ibang parte ng Pilipinas pati na sa U.S.A. at iba pang bansa.

‘‘Nakakahinayang kasi na isang beses lang ipapalabas ang Foursome,’’ say ni Pops.

Itinuloy pa nila ang presscon last Friday kahit na nga ubos na ang ticket. Kahit complimentary for the press, wala na silang mapapamigay. Ang gagawin ni Jun Lalin, publicist, covered ng video ang show. Bibigyan na lang tayo ng DVD copy upang mapanood natin ang Foursome. Baka sakali rin sa repeat show.

Nag-presscon din sila para sa mga sponsor na Petron, Coca Cola, Chrysler, Meralco, Fila, at Farlin, among others. Sa malalaking corporation lang mukhang kumita na ang Foursome!

Sa kanilang mga meeting, hinayaang mag-suggest ng kanilang mga idea sina Regine, Pops, Ogie, at Martin. Pero ang laging nasusunod, siyempre ang director ng Foursome na si Rowell Santiago. Ang sexy poster na nasa kama silang apat, idea ni Pops.

Veteran actress hindi tinablan ng stem cell, bone marrow ng batang Russian naman ang pinag-iipunan

Nagtataka ang kanyang mga co-star sa isang veteran actress. Tila hindi (o hindi pa) tumalab sa kanya ang expensive stem cell. Visible pa rin ang wrinkles niya sa face after several months of treatment.

Say nila, baka dahil ayaw niyang tumigil sa mga bisyo! Susubukan naman daw ng beterana ang stem cell from a young Russian’s bone marrow. Kaya lang sobrang expensive — US$25,000! Kayo na ang mag-convert sa PH peso. Matagal pa itong pag-iipunan ng aktres!

Noranians dedma sa indie film ni Vilma

Buhay na buhay ang mga Vilmanian dahil inaabangan ang Extra na bida si Vilma Santos. Dedma lang ang mga Noranian na sabik nang mapanood ang bagong teledrama ni Ate Guy na Never Say Goodbye.

Show comments