^

Pang Movies

Dating teen actor na may career pa hanggang ngayon, adik sa casino nakikisabay sa mga kaibigang sugarol

SO...CHIMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Lulong na pala sa sugal ang dating teen actor na ito. Kaya sobra ang pag-alala ng pamilya nito na baka malustay nito ang ilang taong pinagtrabahuhan nito dahil sa kanyang hindi magandang bisyo.

Kuwento nga ng aming source na parati raw nilang nakikita ang dating teen actor sa isang casino at umaga na raw ito kung lumabas. Balitang libu-libo raw ang pinapatalo nito tuwing nasa sugalan ito.

Naimpluwensiyahan raw kasi ang dating teen actor ng mga bagong kaibigan nito na mayayaman at tila walang pakialam kung marami silang perang napapatalo.

Kaya naman ang dating teen actor, nakikisabay sa kanyang mga kaibigan para hindi siya mapag-iwanan.

May regular naman daw kasing nilalabasan na show ang da­ting teen actor kaya wala siyang worry na maubusan siya ng pera.

Noong malaman ito ng pamilya niya, pinagsabihan siya na tigilan na ang kanyang bisyo dahil ayaw nilang maubos ang pinag-ipunan nito sa maraming taon sa showbiz.

May nabili ngang three-storey townhouse at dalawang mamahaling kotse ang dating teen actor noong kalakasan ng kita nito sa showbiz. May nabili rin itong ilang mga pro­perties sa probinsiya na inaasikaso ng kanyang mga magulang.

Ayaw nga nilang pati ang mga iyon ay mawala dahil lang sa pagiging sugarol ng dating teen actor.

Pero kahit na nga pinagsabihan na ito, patuloy pa rin na nakikita si dating teen actor sa casino. Huli nga siyang namataan ng aming source ay umuupo na ito sa High Rollers table. Ibig sabihin ay milyon na ang sinusugal nito.

Malamang daw na may nagalaw na ito sa anumang naipundar niyang properties para maglakas loob itong umupo na sa High Rollers table ng casino.

 

vuukle comment

ACTOR

AYAW

BALITANG

DATING

HIGH ROLLERS

KAYA

NITO

TEEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with