Talent manager hindi na mapagtakpan ang pagtakas-takas sa trabaho ng aktres kaya binitawan na lang

Binitiwan na pala ng kanyang manager ang isang actress dahil may attitude na rin ito. Hindi na mapagtakpan ng ma­nager ang actress na tuwing may taping at lilipat ng location ay nagdi-disappearing act na at hindi na mahanap dahil hindi na sumusunod sa bagong location. 

Ayaw ng manager na ma-stress kaya nagsaulian na lamang sila ng kandila.

Andrea hindi akalain na maa-attach sa viewers

Nagkaiyakan sa farewell party ng top-rating na afternoon prime na Sana ay Ikaw na Nga nina Andrea Torres at Mikael Daez. Kahit nang kausap namin sila, naluluha-luha na si Andrea dahil first starring role nila ito ni Mikael. Hindi nga nila akalain na ganoon sila kamahal ng mga televiewers dahil from 16 weeks ay na-extend pa sila ng seven weeks kaya magtatapos sila simula ngayong Monday, ng 23 weeks. 

Heard na dapat ay may sisimulang bagong soap si Direk Dick Lindayag pero kailangan muna niyang tapusin ang soap na nagtatampok din sa napakahusay na performances nina Gabby Eigenmann, Rita Avila, Jestoni Alarcon, Chynna Ortaleza, at Ryza Cenon. Paano kaya matatapos ang mga kasamaan nina Gilbert (Gabby) at Olga (Ryza) sa paghihiganti nila kina Carlos Miguel (Mikael) at Cecilia (Andrea)?

Sen. Bong nakatutok sa epic serye, hindi sa pulitika

Ayaw munang pagtuunan ng pansin ni Sen. Bong Revilla, Jr. ang sabing siya ang manok ng kanyang partido para kandidatong presidente sa 2016 elections dahil napakalayo pa raw nun. Ang concern niya ngayon ay ang lalong gumagandang pangyayari sa epic serye niyang Indio na para sa kanya, ang eksenang mapapanood mamayang gabi ay una sa pinakamahirap niyang mga eksena, sa direksiyon ni Dondon Santos. 

Makikipagtagisan siya ng acting kina Michael de Mesa at Maxene Magalona.

 

Show comments