^

Pang Movies

Hindi pa nga napapalabas sa TV5 Eula Valdez kapalit na, Nora Aunor pinatay na agad sa kanyang serye!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Si Eula Valdez na pala ang papasok sa Never Say Goodbye dahil sa story ay mamamatay si Nora Aunor. Heard na four weeks ding nakapag-taping si Ate Guy sa Baguio City bago siya nagkasakit at naospital. 

Hindi masyadong malinaw sa amin kung ano ang reason at kailangang patayin sa story ang Superstar. Matuloy na kayang ipalabas ang drama serye na idinidirek ni Mac Alejandre sa Feb. 11?

Mga bida sa Magdalena kanya-kanya nang kayod

Pare-parehong naghihintay ng bagong projects ang mga GMA Artist Cen­ter talents na sina Bela Padilla, Dion Ignacio, at Pancho Magno pagkatapos ng kanilang afternoon prime na Magdalena. Pero hindi pa rin naman sila nababakante. Sina Bela at Dion ay madalas ma-assign sa mga regional TV shows. Si Bela ay may bagong indie film na gagawin, ang Aso’t Pusa’t Daga with Joel Torre and Yani Yuson na siya ring magdidirek ng indie film. Kahit nagbida na si Bela, okay sa kanyang magkontrabida basta maganda ang role at ang isu-support niya ay malalaking artista like Lorna Tolentino.

Natapos na si Dion mag-shooting ng indie film na Basement ng GMA Films at ginagawa niya ngayon ang My Lady Boss na gumaganap siyang kuya ni Marian Rivera. Hindi pala siya nagulat nang malaman niyang ikinasal at may anak na ang dating ka-love team sa StarStruck na si Yasmien Kurdi dahil matagal na niyang alam ang relasyon ni Yasmien at ng husband nitong si Rey. Kung may next project siya, gusto pa rin niyang si Bela ang makatambal dahil naging comfortable silang magkasama sa Magdalena. 

 

ARTIST CEN

ATE GUY

BAGUIO CITY

BELA PADILLA

DION

DION IGNACIO

JOEL TORRE AND YANI YUSON

LORNA TOLENTINO

MAGDALENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with