Richard at Solenn gagawan ng serye!

Kahit bawal daw ang standing room sa Ci­nema 1 ng Gateway mall pero punung-puno ang celebrity screening ng sexy-drama movie na Seduction ng Regal Entertainment. Maganda ang script ni Aloy Adlawan, mahusay na direksyon ni Peque Gallaga at mahusay na performances nina Richard Gutierrez, Sarah Labhati, at Solenn Heussaff. Hindi na namin iisa-isahin ang mga dumalong celebrities sa rami nila. Sabay na pumasok sa cinema sina Richard at ang nakapa-seductive na si Solenn. Present ang buong pamilya nina Eddie Gutierrez and Annabelle Rama at mga relatives ni Annabelle from Cebu. 

Kitang-kita na ang maputing butt ni Richard na sa trailer ay halos hindi nakita at kung sweet romance ang kina Richard at Sarah, napaka-hot naman ng mga kissing scenes at love scenes nina Richard at Solenn. 

Nagbigay ng comic relief si Vangie Labalan. 

Alamin kung kanino ba talaga mapupunta si Richard, kung kay Solenn o kay Sarah. 

Sa ipinakitang husay sa acting ni Solenn, hindi kami magtataka kung totoong sila ni Richard ang susunod na pagtatambalin sa isang soap ope­ra. Nakakahinayang si Sarah kung hindi pa rin siya babalik dahil mahusay ang pag-under-act niya sa kanyang character na si Trina.

Showing na nationwide ang Seduction na binigyan ng MTRCB ng classification na R-13 without cuts.

Risa kinikilig sa Please Be Careful…

Hangang-hanga pala si former Akbayan party-list representative Risa Hontiveros sa actress na si Iza Calzado. Gusto rin niya si Jodi Sta. Maria at medyo kinilig pa siya kapag naaalaala niya ang panonood niya ng Be Careful With My Heart nito. Paborito rin niya si Cesar Montano, na payag daw siya kung ito ang gaganap na husband niya na isang PMA officer nang nabubuhay pa ito.

Isa sa masugid na nagtulak na maging batas na ang RH Bill, hindi siya naniniwala na hindi siya iboboto ng mga Katoliko dahil wala naman daw ng tinatawag na Catholic vote.  Alam daw niyang maraming Catholics na in favor sa RH Law. Senatorial aspirant ngayon si Risa Hontiveros sa ilalim ng Liberal Party ni President Benigno Aquino III.

Show comments