^

Pang Movies

Kaya maligaya sa bagong kontrata... Suweldo ni Sarah nakapangalan na sa kanya

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Masayang pumirma ng bagong exclusive contract with ABS-CBN si Sarah Geronimo. Kaya imposibleng lumipat pa siya sa ibang network.

Very satisfied ang singer/actress sa nilagdaang new pact. Baka naman stipulated na lahat ng check payment ay sa pangalan na niya nakalagay! Maglalaho na nga naman ang maraming question marks sa kanyang utak!

Lilia Cantupay sumikat kung kailan matanda na

Iba-iba ang kapalaran ng mga gustong mag-artistang pumapasok sa showbiz. Sina Larah Claire Sabroso at Julia Klarisee Base, nailunsad agad bilang new child wonders ng ABS-CBN, sa bagong teledramang May Isang Pangarap.

Natuklasan ang mga tsikiting sa nationwide talent search na Kapamilya Little Star. Ngayon sinusubaybayan na ang kanilang kasaysayan sa May Isang Pangarap. Mga susunod na ba sila kina Kathryn Bernardo at Julia Montes?

Si Lilia Cantapay naman malapit nang lubugan ng araw nang sumikat at kinilalang best actress sa isang indie film. Nakapaglibot na siya sa ibang bansa bilang kinatawan ng Pilipinas sa mga international film festival.

Kahit sikat na, huwaran pa rin ng kababaang-loob si Ms. Lilia. Kahit anong papel ang binibigay sa kanya, malugod niyang tinatanggap, basta’t magkatrabaho.

Masayang-masaya siya na hindi awang ang papel niya sa Juan dela Cruz. Nang biruin namin siya na baka siya ang leading-lady ni Eddie Garcia, na kasama sa mga higanteng artista sa teleserye, natatawa siyang sumagot ‘‘Naku hindi po ako mestisa,’’ pa-demure ng aktres. ‘‘At saka hindi rin po ako puwedeng nanay ni Mr. Eddie, kung meron man sa istorya.’’

Magkakaroon ng nationwide screening sa Saturday, 6:00 p.m. ang Juan dela Cruz.

Aktor naka-date sustentado pala ng iba... Noontime show co-host inatake ng bakla

Nakunan pala ng litrato ang pag-iiskandalong ginawa sa isang bar, nang biglang ma-sight ang kanyang sustentadong aktor, with a beautiful and young noontime TV show co-host. Kitang-kita sa photos na sinasabunutan ng matronang badaf ang karibal niyang puwede na niyang maging apo.

The next morning, binawi agad ng daig pa nang bulkang Mayon magalit ang very expensive car na bigay niya kay pogi.

’Yan na nga ba ang parati kong reminder. Kapag tumanggap ng expensive gifts, siguraduhing nasa pangalan na ninyo. Para kahit anong mangyari, hinding-hindi mababawi.

Unang away nina Sunshine at Cesar, mas matindi

Optimistic si Alfie Lorenzo na magkakasundong muli ang kanyang alagang si Sunshine Cruz at ang mister na si Cesar Montano. Say ng talent manager/columnist, higit na grabe ang unang hiwalayan ng dalawa.

Lumayas si Sunshine at umupa ng sariling condo unit. Nang kinindat-kindatan at nabolang muli ni Montano, join agad ang mahinang babae sa pabling na mister!

John Prats walang-walang karapatan kay Shaina

Talagang walang karapatan si John Prats kung ligawan man si Shaina Magdayao ni Sam Milby.

Matagal nang break sina Shaina at John. After that, marami nang naging steady girlfriends ang dancer/actor. Na-involved na rin sa iba si Shaina at muntik na ngang magpakasal sa isa!

vuukle comment

ALFIE LORENZO

CESAR MONTANO

CRUZ

JOHN PRATS

MAY ISANG PANGARAP

NANG

SHAINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with