MANILA, Philippines - Hindi naiwasang mabanggit ang epicserye ng GMA na Indio na bida si Senator Ramon “Bong†Revilla, Jr. sa presscon ng Juan de la Cruz ng ABS CBN na pinagbibidahan naman ni Coco Martin.
Hindi aware si Direk Malu Sevilla na may on-going na Indio sa Kapuso Network, pero si Coco, updated sa katapat na programa kaya naman sa halip na huwag banggitin, sinabi na lang niya mataas ang respeto niya sa mga Revilla lalo na kay Senator Bong.
May napagsabihan kasing writer na nagtanong sa pagkakaiba ng Indio sa Juan de la Cruz. Sa Indio kasi, anak ng normal na tao at isang diwata si Bong habang sa JLDC, anak naman ng normal na tao rin at ng isang aswang si Coco. Para hindi na magkaroon ng comparison sa magtatapat na programa sa next Monday, minabuti ng ilang press na hindi na magtanong pa tungkol sa magkalabang programa.
Sen. Chiz nadagdagan ang popularidad sa Kris TV
Nadagdagan ang popularidad si Senator Chiz Escudero nang pumayag siyang maging co-host ni Kris Aquino sa morning program nitong Kris TV. Although napalapit na siya sa tao sanhi ng katalinuhan at pagiging humble bilang senador, lalong bumango ang pangalan niya nang kayanin niyang sabayan sa paghu-host ang Queen of All Media sa mahigit isang taon nilang pagsasama sa programa, huh!
Palibhasa cool at casual na para bang hasang-hasa na sa paghu-host, hindi siya nakitaan ng pagiging andap sa mega-celebrity partner. Kahit na nga sanay siya sa mga batas bilang senador at lawyer, kering-keri niyan makipagdiskusayon kahit sa anong topic. No wonder, lalo siyang mapamahal sa mga tao.
‘Yun nga lang, ayaw isipin ni Sen. Chiz na ang pagiging TV host ang siyang pipiliin niyang career pagdating ng araw. Nangunguna pa rin sa kanya ang public service although, hindi naman niya isinasara ang pinto sa larangang ito.
Kung sakaling hindi muna mapapanood ang senador sa Kris TV sa mga susunod na araw, ang pagkakampanya bilang senador ang higit niyang pagtutuunan ng pansin. Kahit na nga sa nakaraang survey ng DZXL RMN ay number 1 spot ang hinamig niya na may 70 percent rating, ayaw rin na magpakasiguro ni Senator Chiz hangga’t hindi sumasapit ang May elections.