^

Pang Movies

Kahit may James Yap? John Prats ipinagsisigawan ang pagka-in love kay Isabel Oli!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Hindi ako magtataka kung si John Prats ang maging next boyfriend ni Isabel Oli dahil in love na in love siya sa dalaga.

Imposibleng hindi mahulog ang loob ni Isabel sa sweetness ni John na talagang ipinagsisigawan sa buong mundo ang paghanga niya sa dalaga. Very demonstrative at expressive si John sa kanyang feelings at nasubok na ito nang ma-in love siya noon kina Shaina Magdayao, Rachelle Ann Go, at Bianca Manalo.

Kapag sinagot ni Isabel ang panunuyo ni John, siguradong matatapos na ang mga tsismis tungkol sa kanila ni James Yap.

Maraming beses nang nag-deny sina Isabel at James pero hindi mamatay-matay ang mga balita na may secret relationship sila.

Magkakaroon lang ng closure ang mga tsismis kung magiging boyfriend ni Isabel si John.

James hindi na pinapatulan si Kris, mas piniling manahimik

Walang nang balita tungkol kay James mula nang magkahiwalay sila ni Kris Aquino. Nadamay ang pangalan ni James sa promo ng Sisterakas pero hindi lumaki ang isyu dahil hindi siya nag-react.

Mahirap talaga na maging karelasyon ang mga sikat na personalidad dahil nakatutok sa kanila ang atensiyon ng publiko. Hindi puwedeng hindi mapapabalita ang kanilang mga misunderstanding at activities na kadalasan na nabibigyan ng ibang kahulugan at pinagsisimulan ng mga intriga at kontrobersya

Yasmien wala pa sa planong magbalik-showbiz!

Ang ganda-ganda ng anak ni Yasmien Kurdi at ng kanyang mister na si Rey Soldevilla, Jr.

Nagkita kami kahapon sa Annabel’s Restaurant at first time ko na nakita ang bagets na si Ayesha.

Mabait na bata si Ayesha dahil hindi siya umiiyak. Tulog lang siya nang tulog, itsurang karga-karga ko siya. Carbon copy ni Yasmien ang bagets. Actually, mag­kamukha na si Yasmien at si Rey kaya kahawig na rin nito ang kanilang panganay.

Bitbit ni Yasmien ang mga feeding bottle na naglalaman ng kanyang gatas. Pina-practice ni Yasmien ang breastfeeding dahil alam niya na masustansiya ang gatas ng ina.

Wala pang plano si Yasmien na buma­lik sa showbiz dahil enjoy na enjoy siya sa pag-aalaga sa kanyang anak. Hindi obligado si Yasmien na magtrabaho dahil good pro­vider si Rey na isang flight attend sa United Emirates.

Masaya ako para kay Yasmien dahil nakita ko na happy siya sa buhay may-asawa. Kumikislap ang kanyang mga mata sa tuwing pinagmamasdan niya sina Rey at Ayesha.

Katrina at Yasmien, hindi nagkakalayo ang laki ng katawan

Masyoba pa rin si Katrina Halili dahil magka­sing-katawan lang sila ni Yasmien.

Hindi pa nawawala ang unwanted pounds sa katawan ni Katrina mula nang isilang niya si Katrence, ang panganay nila ni Kris Lawrence.

Nag-guest si Katrina sa Startalk noong Sabado at nakita ko kahapon si Yasmien kaya napansin ko na hindi nagkakalayo ang size ng kanilang mga katawan. Mga bata pa sina Ka­trina at Yasmien. Mabilis na papayat ang dalawa kung seser­yosohin nila ang pagbabawas ng timbang.­                               

vuukle comment

AYESHA

BIANCA MANALO

DAHIL

ISABEL OLI

SIYA

YASMIEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with