^

Pang Movies

Actress malayo sa ugali ng actor na marunong umestima ng mga bisita

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Naimbiyerna ang ilang entertainment press sa isang actress na kasama sa isang event sa South dahil nilampas-lampasan daw lamang sila. 

Pinuri nila ang actor na kasama nito dahil masaya silang nilapitan at nagpasalamat sa presence ng mga dumating.

Wowowillie pinatayan ng ilaw

Alin kaya sa tatlong noontime shows last Saturday ang mangu­nguna sa ratings? Dapat ay 11:30 a.m. sabay-sabay magsisimula ang three variety shows pero ang Eat Bulaga lamang ang nakapasok on time with a big beautiful production number at extension ng studio ang Barangay Onse sa San Juan City na malapit sa Broadway studio nila na may fiesta theme.

Late rin pumasok ang It’s Showtime dahil hindi pa tapos ang rewind ng Be Careful With My Heart at news pa ang Aksyon 5 na ipinakikita ang pagpapapasok ng audience sa Wowowillie sa bagong studio ni Willie Revillame sa Delta Theater. Biglang nag-black out ang show kaya sabi nga ng ilang sa Twitter, to think na ang big boss ng TV5 ang may-ari ng Meralco. 

As usual, late natapos ang Wowowillie, halos alas-singko na ng hapon.

Lito Atienza matapang na inisa-isa ang mga nanglaglag

    Masaya ang atmosphere sa Maynila Ballroom ng Manila Hotel last Jan. 24 dahil bukod sa celebration iyon ng 46th birthday ni Kim Atienza, panganay na anak ni former Manila Mayor Lito Atienza, isinabay na rin ang book launching niya ng libro na siya ang sumulat, ang Light From My Father’s Shadow na ang foreword ay si Kim ang sumulat. 

Magandang basahin ang libro na tulad ng sabi ni Kim, dapat i-share sa iba and ma-inspire. Matapang din si Mayor Atienza na hindi natakot banggitin ang mga pangalan ng mga taong nagsikap na ibagsak siya pero ang naapektuhan nito ay ang mga kababayan niyang pinaglingkuran ng ilang taon. Ibinahagi rin ang legacy na iniwanan sa kanya ng amang si Don Pepe. 

Ang libro ay dedicated ni Mayor Atienza sa wife niyang si Beng at sa anim niyang anak, sina Kim, Analei, Lani, Maile, Ali, at Chichi na kasama niya sa ups and downs ng kanyang career and shared his successes.

Dumalo sa book launching sina former President Joseph Estrada, Vice President Jejomar Binay, at mga close friend. Nagpasalamat naman ang mga entertainment press na masayang kausap ni Mayor Atienza dahil sila ang unang nakatanggap ng copy ng Light From My Father’s Shadow.  Available na ito sa mga bookstore at a very affordable price.

Heart at Geoff kumakasa sa rating game

Lumaban din sa rating game ang Forever nina Heart Evangelista, Geoff Eigenmann, and Ms. Gloria Romero na napapanood bago ang 24 Oras.

Pero mamaya, at 10:30 a.m., bago ang Party Pilipinas, mapapanood ang pilot week nito na The Beginning of Forever, sa direksiyon ni Ricky Davao.

vuukle comment

BARANGAY ONSE

BE CAREFUL WITH MY HEART

BEGINNING OF FOREVER

DELTA THEATER

DON PEPE

LIGHT FROM MY FATHER

MAYOR ATIENZA

WOWOWILLIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with