“Sakto lang†ang sagot ni Jake Cuenca nang kumustahin namin ang kanyang love life sa finale presscon ng Kahit Puso’y Masugatan.
Sakto lang daw dahil super busy siya sa work lately at walang panahong mag-focus sa kanyang buhay pag-ibig.
When asked kung ano na ang nangyari sa pangÂliligaw niya kay Lovi Poe, sagot niya ay hindi raw siya ang tipo na nangliligaw at mas type niya na maÂging kaibigan muna ang girl na nagugustuhan.
“Ang ligaw, mahirap eh. Siyempre, ’pag nangliligaw ka, one foot forward, pakitang-tao, ’tapos ’pag naging kayo na bigla mong makikita iba pala ang personalidad n’yo pareho. So, mas maganda talaga, magkaibigan. Ipakita mo na kung ano ang dapat ipakita and from there, kung kayang tanggapin, eh di puwede,†pahayag ni Jake.
Pero sila ni Lovi ay friends naman at patuloy pa rin ang communication.
“Nag-uusap pa rin kami. Kaya lang kasi parehong busy. Pero ano naman siya sa akin, espesyal naman siya sa akin. Pero sa ngayon talaga, habang walang oras, mahirap talaga.
“Pero ang maganda kasi na-maintain namin ang friendship. Hanggang ngayon naman nag-uusap kami. Nagkaka-text-an. Minsan, nagkikita kami,†say pa ng aktor.
Sobrang hectic daw talaga ng schedule niya lalo na nga last year na dala-dalawang teleserye ang saÂÂbay niyang ginagawa, ang Kung Ako’y Iiwan Mo at ang Kahit Puso’y Masugatan. Pero sobÂrang happy niya to the fact na sa kanyang career ay na-experience niyang gumawa ng dalawang teleserye nang magkasabay.
Ngayong malapit nang magtapos ang Kahit Puso’y MaÂsugatan, and indie film na Tuhog naman ang pagkakaabalahan niya kung saan ay makakasama naman niya si Eugene DoÂmingo.
Sa kanyang career, marami pa siyang gustong marating pero so far, masayang-masaya na siya na nakamit niya ang kanyang first award mula sa PMPC Star Awards for Movies last year bilang best supporting actor para sa pelikulang In the Name of Love.
“Tuwang-tuwa ako kasi matagal ko nang pinagtrabahuhan ’yun talaga. Matagal kong pinangarap ’yun at nakuha ko,â€
Sa bago naman niyang drama series sa ABS-CBN, hindi pa puwedeng idetalye pero kakaiba na naman ito sa dati nang nakita sa kanya. Kung dati ay medyo dark ang karakter niya, this time ay medyo lilihis kaya abangan na lang daw natin dahil malapit na rin nila itong simulan.
Angeline, imported ang lasa ng lips ni Sam kesa kina Coco at Paulo na local lang
Sa presscon naman ng Kahit Konting Pagtingin ay natanong si Angeline Quinto kung paano niya ikukumpara ang halik ni Coco Martin na una niyang naging leading man sa pelikula kay Sam Milby na isa sa mga kapareha niya ngayon sa unang TV series.
“Si Coco po kasi medyo lasang local. Pero si Sam Milby, lasang imported,†say ni Angeline na ikina-react ng mga entertainment press pati na ang kanyang fans na nasa presscon.
“Eh doon na po tayo sa imported.â€
Leading man din niya si Paulo Avelino sa Kahit Konting Pagtingin pero wala pa raw kissing scene na nakukunan sa kanila.
Pero kung si Sam ay lasang imported, mukhang lasang Class A naman daw si Paulo.
“At least, papunta siya sa imported,†natatawang sabi ni AngeÂline.
But seriously, feeling niya ay napakasuwerte niyang talaga dahil dalawang pagkaguguwapong leading men ang ibinigay sa kanya ng ABS-CBN dito sa bagong teleseryeng ito.
Magsisimula na ngayong Monday ang Kahit Konting Pagtingin kaya abangan kung may ibubuga si Angeline bilang TV actress.