^

Pang Movies

Best of celebrity warriors sa Weekend Getaway finale na!

Pang-masa

MANILA, Philippines - The best and greatest celebrity moments ang babalikan ni Biyahero Drew Arellano ngayong Biyernes sa Weekend Getaway!

Sa huling episode ng travel show ng GMA News TV, samahan ang host na si Drew Arellano na balikan ang exciting adventures ng iba’t-ibang entertainment personalities na tumanggap sa hamon na maging Weekend Warriors. 

Tulad na lang ng weekend getaway-turned-honeymoon ng Survivor castaway na si Chuckie Dreyfuss at ng kaniyang misis na si Yen sa San Juan, Batangas.

Sino rin ang makalilimot sa bonding ng mag-amang Arnell at Pie Ignacio sa Biliran, Tacloban?

Sa Ilocos naman, tumibay ang samahan nina Mark Bautista at ng best buddy niyang si Raphel Kiefer. 

Tinapatan ng natural beauty ng Cabalete Island sa Mauban, Quezon ang ganda ng Miss World Second Princess 2011 na si Chloe McCulley at kaibigang si Odyssey Ocampo.  Ang 1,600 hectare island na ito ang ipinagmamalaki ng probinsiya dahil na rin sa white sand at crystal clear waters nito. 

And speaking of natural beauty, na-impress si Bela Padilla sa ganda ng Magaklawa Island sa Zambales na isa na ngayon sa sumisikat na tourist destinations sa bansa. 

Sa Quirino, napadpad ang Kamikazee vocalist na si Jay Contrares kasama ang misis niyang si Sarah Abad. Romantic at heart pala si Jay pero dahil busy kaya talaga namang na-enjoy niya ang rare opportunity para magkaroon ng quality time with the misis.

At siyempre kapag kainan, hindi magpapahuli sina John ‘Sweet’ Lapuz at kaibigang si Nikki Duyungan. 

Balikan ang ilan sa mga celebrity moments na ito sa huling episode ng Weekend Getaway ngayong Biyernes ng gabi. Pero ang paglilibot ng biyaherong si Drew Arellano ay tuluy-tuloy pa rin dahil magsisimula na susunod na Biyernes ang Biyahe ni Drew 10PM sa GMA News TV Channel 11.

BELA PADILLA

BIYERNES

CABALETE ISLAND

DREW ARELLANO

JAY CONTRARES

MAGAKLAWA ISLAND

MARK BAUTISTA

MISS WORLD SECOND PRINCESS

WEEKEND GETAWAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with