Solenn gagawan ng Indie ni Direk Peque

On time lagi si Solenn Heusaff pagdating sa kanyang taping o syuting at kahit pa sa mga appointment. 

Kaya sa pelikulang Seduction wala siyang na­ging problema kay Direk Peque Gallaga dahil gusto ng director na hindi nale-late ang kanyang mga artista.

Naranasan na ni Solenn na maghintay ng pitong oras sa set sa isang artista.

‘‘Napipikon talaga ako pero hindi ko ipinakikita ang pagkaimbyerna sa na-late na artista. Sa isip ko na lang inilalagay ang pagkainis,’’ aniya.

Very proud ang seksing aktres dahil nakasama niya si Richard Gutierrez at Sarah Lahbati sa pelikula. 

Dahil sa ganda ng pinagsamahan nila ni Direk Peque sa Seduction nakalinya na ang isang pelikula under Peque at gagawa pa ang aktres ng isang indie film under Cinemalaya. Isa naman siyang diwata sa Indio ng GMA 7.

Kung hindi naging artista ang French-Filipina beauty isa siyang fashion designer. This coming July 20 ay magseselebrayt ng birthday si Solenn at ang wish ay gumanda pang lalo ang career.

Hansel and Gretel, bongga ang visual effects

Matagumpay ang naging advanced screening ng pelikulang Hansel and Gretel kung saan napuno ang SM North IMax ng mga manonood. Iisa ang komento ng lahat -  humanga sa ganda ng pelikula gayundin sa production design, prosthetic make-up ng mga witches at bonggang-bongga ang mga visual effects laluna sa mga eksenang labanan ng mga witches at magkapatid na sina Jeremy Renner (Hansel) at Gemma Artenton (Gretel). Matitindi ang mga barilan at bakbakan at dahil 3-D ay mapapailag ka sa akala mo’y kabilang ka sa pelikula.

Palabas na ito sa January 23, 2013 mula sa United International Pictures at ipinamamahagi ng Solar Entertainment Corporation.

 

Show comments