Harutan nang harutan sina Lovi Poe at Rocco Nacino sa harap ng mga entertainment press sa pocket interview sa kanila para sa Yesterday’s Bride kaya naman tanong sa kanila kung sila na bang dalawa? Bati na ba sila after nagkatampuhan sa Party Pilipinas dahil sa pang-aasar ni Rocco kay Lovi? Pero madalas daw silang makita lagi sa Rockwell na magkasama. Natawa ang daÂlawa, matagal na raw silang hindi nakakapunta sa Rockwell, pero hilig daw lamang nilang kumain, may place rin daw doon na kasama nilang mag-hang-out ang mga common friends nila, na tumutugtog ng drums si Rocco.
Hanggang February na lamang ang Yesterday’s Bride at last five taping days na lamang sila.
Sa issue na lilipat sila ng network, nataÂwa si Rocco dahil ilang taon pa ang contract niya sa GMA Network. IkinaÂgulat naman ni Lovi ang nabasa niya na may nakahanda na raw siyang project na gagawin sa TV5. Alam daw niya, may kaÂsunod na siyang project sa GMA 7 pero sa ngaÂyon, ang isa pa niyang ginagawa ay ang movie nila nina Jennylyn Mercado at Paulo Avelino, ang The Bride and the Lover under Regal Entertainment.
Ely Buendia at dating asawa, tuloy ang ‘pagsasama’
Akala namin noon, manager and wife lamang si Diane Ventura ni Ely Buendia, pero nang maÂÂkaÂharap namin siya sa presscon para sa short film which she directed, ang The Rapist, bukod pala sa music, first love niya talaga ang makapag-direct ng movie, kaya kapag may concert noon si Ely, siya ang nagdidirek ng videos nito. Sinimulan muna niya ang passion by directing a short film na pinalad naman siyang maisali sa International Film Festival ManÂhattan in New York. Nilinaw ni Diane na hindi totoo na dahil sa rape theme ng short film kaya ito napili. Na totoo naman dahil kapag napanood ninyo ang The Rapist, na tampok sina Cherie Gil at Marco Morales, magugulat pa kayo sa ending ng movie dahil sa mahusay na pagkakasulat ng story.
Thankful din si Diane kay Ely na siyang naglapat ng musical score sa moÂvie. May inihahanda ulit isang short film si Diane na ayaw pa niyang sabihin kung ano ang concept.
Aubrey at Troy kailangan ng professional help
Sina Aubrey Miles at Troy Montero ang special katsikahan nina Camille Prats at Suzy Entrata sa Mars mamayang 6:00 p.m. sa GMA News TV. Ita-tackle sa show na kapag pala two weeks nang nag-aaway ang mag-asawa, kailangan na nila ang professional help.