Matapos maturukan ng stem cell Albert bagets na ang type, Liezl panay naman ang lamyerda!

Hindi itinatanggi ni Albert Martinez na stem cell talaga ang nagpagaling at nag-alis ng cancer ng asawa niyang si Liezl Martinez.

“As of today, we have overcome ’yung ’yun. But then again, cancer is cancer. There’s a lifetime commitment of monitoring,” sabi ni Albert nang makausap namin sa set visit ng latest serye niyang Juan dela Cruz with Coco Martin as the lead star.

Ibinahagi ng aktor na pagkatapos ng stem cell treatment ay naging zero stage na ang cancer ng misis niya mula sa stage 3 and 4. Dito lang daw sa atin sa Medical City nag-undergo si Liezl ng treatment at pati nga raw siya ay nagpa-stem cell din.

“The reason naman why I took it, siyempre, I’m 51 na, meron na akong feeling na gusto kong matulog sa hapon. Ibig sabihin, ’yung body ko pagod na talaga,” sabi ni Albert.

After the stem cell ay naging napakalaki ng pagbabago sa katawan niya at kitang-kita rin naman ang changes maging sa pisikal dahil he looks younger than before.

Say nga niya, pakiramdam niya ay mas malakas siya ngayon.

“I feel like Coco Martin,” he said laughing. “Ngayon nga, hindi na ako nahahapo kasi before, ’pag two o’clock inaantok ako, ngayon, nawala na ’yun. Nawala na ’yung urge to nap.

“Saka ngayon, I can do running ten kilometers. I can bike. I sleep better. My memory is much better,” he said.

Wala bang side effect?

“Well, ang side effects nga lang ay ’yung mga younger person,” say niyang natatawa at natawa na rin ang lahat nang ma-gets ang ibig niyang sabihin ay younger girls.

“Hehehe. ’Yun ang sabi ng doktor sa akin kasi sabi you get more admiration now. Sabi ko, that’s not a bad side effect,” nakatawa pa rin niyang say.

Sa ngayon ay nag-e-enjoy daw si Liezl sa kata-tra­vel. Nasa Beijing, China raw ito ngayon at kung may oras siya sa Valentine’s Day ay baka raw i-spend nila ito sa Macau.

After daw nang nangyari kay Liezl, na-realize nila that life is short kaya as much as possible ay gusto nilang mag-travel nang mag-travel.

Wala bang balak si Liezel na bumalik sa pag-arte?

“Wala na. Happy na siya nang ganun. Saka siguro, hindi niya kailangan ng stress. And then, ayoko rin naman siyang napupuyat. Gusto ko ’pag ’yung time to rest, rest,” sabi ng aktor.

Bistek hina-hunting sina Janno at Bayani

May kinalaman pala ang Sisterakas at ang Shake, Rattle & Roll XIV kung bakit na-inspire si Quezon City Mayor Herbert Bautista na mag-produce ng pelikula.

Kasama si Bistek sa cast ng Shake… at ito nga bale ang comeback movie niya after quite a long while. Ipinalabas ito nitong nakaraang Metro Manila Film Festival at nakalaban naman nila ang Sisterakas nina Vice Ganda, Kris Aquino, at AiAi delas Alas na as we all know ay nag-No. 1 sa takilya.

Ayon kay Bistek ay sobrang nagandahan siya sa Sisterakas.

“Pinanood ko ’yung pelikula, napakagandang pelikula, nakakatawa siya. Logical siya, it’s a logical movie,” sabi ni Bistek nang makausap sa story confe­rence ng Raketeros, ang pelikulang ipo-produce niya kasama ang kapatid na si Harlene Bautista.

Pinanood din niya ang iba pang MMFF movies tulad ng Si Agimat, si Enteng Kabisote at si Ako at nagandahan din siya.

Kaya naman naisip din niyang mag-produce para makatulong din sa mga artista at sa iba pang maliliit na tao sa industriya. Nag-uusap-usap na silang magkakaibigan — Randy Santiago, Ogie Alcasid, Andrew E., at Dennis Padilla — at nabuo nga itong Raketeros na needless to say, a comedy film.

Originally, nabuo ang Raketeros dahil gusto nilang tulungan ang mga kaibigang sina Janno Gibbs at Bayani Agbayani but for some reason ay hindi nga raw puwede ang mga ito.

“Pero kinakausap pa rin namin sila at sana nga po ay makasama namin sila rito,” asam pa ni Bistek.

Si Randy ang magdidirihe ng pelikula at sina Bistek, Andrew E., Ogie, and Dennis ang magbibida. After the elections ang target date of showing nito at magsisimula na silang mag-shooting in the days to come.

 

 

Show comments