Nag-promote ang original Movie Queen na si Ms. Gloria Romero sa StarTalk TX last Saturday at naitanong sa kanya kung totoong when she turns 80 years old ay magri-retire na siya sa showbiz? She just turned 79 last December, at sagot niya ay iyon daw ang balak niya pero kung kaya pa rin niya ay hindi pa siya hihinto since acting is her love. Kaya thankful siya sa GMA Network dahil every time matatapos ang kanyang soap, pinagpapahinga lamang siya sandali at meron na naman siyang bagong gagawin.
Mamayang hapon ang early primetime pilot episode nila, bago ang 24 Oras sa GMA 7, ng bagong drama series nina Ms. Romero, Heart Evangelista, at Geoff Eigenmann, ang Forever, pagkatapos ng Paroa, Ang Kuwento ni Mariposa.
Gaganap sina Ms. Romero at Heart sa role ni Adora at si Geoff will play the roles of Ramon and Patrick. Isang dakilang pag-iibigan na nagsimula sa pagitan nina Adora at Ramon noong 1950s. Tragic ang pag-iibigan nila pero nangako si Ramon na muli silang magkikita ni Adora sa darating na panahon. Ayon kay Ms. Romero, nang ibigay sa kanya ang script at basahin niya ay naiyak siya dahil wala na raw siguro gano’ng kadalisay na pagmamahalan ng isang babae at lalaki.
Star Magic pag-aaralin ang bagong child discovery
Ngayong hapon, after ng It’s Showtime, mapapanood na ang May Isang Pangarap na magtatampok sa dalawang new discoveries ng ABS-CBN sa isang singing talent search. Si Julia Klarisse Base ay mula sa Metro Manila at si Larah Claire Sabroso ay mula sa Compostela Valley in Davao. Dapat pala ay gagawin nila itong isang reality show but since itutuloy din nila sa pag-arte ang mga mapipili nila, idiniretso na nila ito sa pagganap ng dalawang napili nila sa isang teleserye.
Nasabi ni Larah sa presscon na pangarap niyang maipa-opera ang amang naaksidente at magkasama-sama na ang buo nilang pamilya. Pitong magkakapatid sina Larah at pang-lima siya. Inaayos na rin ng Star Magic na maipagpatuloy sa Manila ni Larah ang kanyang studies.