Solenn hindi ‘kabit’ movie ang tingin sa Seduction

Na-stress ang mga publicist ng sexy drama na Seduction ng Regal Entertainment, Inc. nang ipalabas nila sa grand presscon, attended by Ri­chard Gutierrez, Solenn Heussaff, Jay Manalo, Jon Orlando, and Direk Peque Gallaga, ang trailer na hindi pa nila naipapa-censor. Nakiusap kasi sila sa TV crews na huwag kukunan at hindi puwedeng ipalabas ang said uncut trailer pero nakita nilang may mga hindi sumunod sa pakiusap nila, lalo na iyong eksena na ipinakita ni Richard ang kanyang butt. 

Inamin ni Direk Peque na medyo nahihirapan silang magpa-approve ng trailer ng movie na nagtatampok din kina Solenn at Sarah Labhati. Pero hindi raw bold movie ang Seduction, it is a love story, a mature drama na all the actors are mature playing their mature roles. Isa itong istorya ng isang lalaki na na-in love sa dalawang babae na magkaiba ang pananaw sa buhay. Ang lagi ngang sinasabi ni Solenn tuwing magpo-promote ng movie, “Hindi ito a ‘kabit’ movie.”

Sa ipinakitang galing ni Richard sa acting, hindi raw siya nag-i-expect pero kung mapansin ang acting niya, bonus na iyon sa kanya. Basta ginawa niya ang best niya sa bawat eksena dahil ayaw niyang mapahiya sa kanyang director. Ngumingiti na sana si Richard nang may magtanong kung hindi ba niya nami-miss ang girlfriend na si Sarah na nagbabakasyon na ngayon sa kanila sa Switzerland. Sagot niya, nanghihinayang daw siya na wala ang GF para ma-experience ang pagpo-promote ng pelikula nila at nalulungkot siya na wala ang girlfriend na hindi na nga nahintay ang showing nila nationwide simula sa Jan. 30.

Alamat ng Mayon Volcano idadaan sa ballet

Noong first time na na-meet namin personally si Albay Governor Joey Salceda, nabanggit niya noon na gagawa sila ng isang show that will depict the story ng hinahangaan at most photographed na Mayon Volcano, the Perfect Cone. Last Jan. 15, nagkaroon na ng launch ang Daragang Magayon sa Barbara’s Resto in Intramuros. Hindi ito tulad ng basta lamang show, isa itong contemporary ballet na magkukuwento sa pamamagitan ng sayaw ang legend ng Mayon Volcano na magpapakita ng isang magandang pag-iibigan na hindi nagkaroon ng katuparan. Si Daragang Magayon, isinakripisyo ang kanyang kaligayahan para masunod lamang ang gusto ng ama, kahit pa ibinuwis niya ang kanyang buhay at ng kanyang minamahal na si Panganoron na nagtangkang saklolohan siya. Ang pinaglibingan kay Daragang Magayon ay tumaas nang tumaas hanggang sa maging isang magandang bundok ito, ang Mayon Volcano.

Ang Daragang Magayon ay mula sa E-Dance Theater in cooperation with the provincial government of Albay. Si Dr. Ramon Santos ang lumikha ng music at for the first time rondalla music ang magiging background ng ballet piece. Sa direksiyon at choreography ito ni Gerald Mercado na mapapanood na sa Feb. 8, 3 p.m. at 8 p.m., sa Main Theater ng Cultural Center of the Philippines.

 

Show comments