Mother Lily matindi pa rin ang passion sa paggawa ng pelikula!

For the love of Mother Lily Monte­ver­de, susuportahan ko ang Seduction at ang upcoming movies ng Regal Entertainment, Inc.

Alam ko na ang paggawa ng pelikula ang passion ni Mother Lily kaya hindi ko si­neryoso ang mga press release niya noon na titigil na siya sa pagpo-produce. Si Mother pa?

Ang Seduction ang coming soon movie ni Mother Lily. Ipapalabas ang Seduction sa mga sinehan sa Jan. 30. Ang Seduction ang comeback movie ng award-winning director na si Peque Gallaga. Malaki ang utang na loob ni Peque sa lady producer dahil ito ang nag-convince sa kanya na balikan ang pagiging movie director niya.

Indebted din ako kay Mother Lily. Nakapagpundar ako ng bahay dahil sa tu­long at suporta ni Mother Lily. Ilang beses ko nang ikinuwento na siya rin ang unang nagdala sa akin sa Hong Kong kaya second mother na ang turing ko sa kanya.

May film library din si Mother Lily. Ala­gang-alaga ni Mother ang kanyang film library na naglalaman ng lahat ng titles ng mga pelikula ng Regal Films. Ma­hirap mapantayan ang film library ni Mother Lily dahil na-preserve niya ang daan-daang pelikula ng kanyang movie outfit.

Mahirap mag-maintain ng film library dahil masahol pa sa mga tunay na tao ang mga kopya ng pelikula. Twenty four/seven na naka-on ang aircon sa mga film library. Ganyan sila ka-spoiled!

Anak nina Christopher at Sandy angat ang beauty, maraming alok na mag-join sa beauty contest

Marami ang nag-aalok kay Mariel de Leon na sumali sa mga beauty contest at tila nakukumbinsi na siya.

Si Mariel ang beauty queen material na anak nina Christopher de Leon at Sandy Andolong. Ma­­ganda ang mukha at matangkad si Mariel kaya stand out siya sa crowd. Pansinin ang bagets dahil sa kanyang outstanding beauty at height.

Kapag natuloy ang pagsali ni Mariel sa mga beau­ty contest, siguradong win ang beauty niya. Hindi pinatulan ng dalaga ang mga offer noon da­­­hil nagpunta siya sa New Zealand at dito niya ipi­nag­patuloy at tinapos ang kanyang pag-aaral.

Tonton bibihisan na parang mayaman

Nagsimula nang mag-taping si Tonton Gutierrez para sa Bukas Na Lang Kita Mamahalin. Ma­yaman ang role ni Tonton sa coming soon drama series ng ABS-CBN kaya effort ang pagsusuot niya ng magagandang damit. Mabuti na lang may stylist ang ABS-CBN at siya ang nag-aasikaso sa mga damit na gagamitin ni Tonton sa mga eksena nito.                                             

Gov. Vilma eekstra lang sa indie film

Extra ang title ng unang indie movie ni Batangas Gover­nor Vilma Santos. Sa title pa lang, obvious na extra sa mga pelikula ang gagampanan ni Mama Vi na excited sa kanyang first indie project.

Si Jeffrey Jeturian ang direktor ng Extra at si Atty. Jojie Alonso ang producer ng indie film na official entry sa 2013 Cinemalaya Independent Film Festival.

Show comments