Big boss sa isang TV network magtatrabaho na sa kalaban

Pati mga TV executive, hindi lang mga artista, ay nakatakdang lumipat sa kalabang major network this 2013. Inaasahang bago magsimula ang Year of the Water Snake, sa kabilang TV station na nagta­trabaho ang isang big boss sa dati niyang network!

May Isang Pangarap malalaman na ang kapalaran

Sa tunog, tila sinaunang soap opera ang May Isang Pangarap, ’yun bang tipo na pinakikinggan ng mga nanay sa DZRH na sponsored ng mantikang Purico, Star Margarine, at sabong Perla.

Alam natin na mahuhusay ang creative team ng ABS-CBN kaya’t madali itong maaakma sa maka­bagong panahon, kahit sabihin pang inaamag na sa baul ang titulo.

Malapit nang ipalabas ang teledramang bida sina Vina Morales, Carmina Villarroel, at Rico Blan­co kasama ang dalawang child performers.Merong mga supladang manonood na kapag nagiging predic­table na ang takbo ng istorya ng palabas, ayaw nang panoorin. Karamihan naman, kung nag­ka­katotoo ang kanilang mga hulang susunod na tagpo, tuwang-tuwa. Lalong sumusubaybay at ayaw bumitaw.

Well, kanya-kanyang tipo ng televiewers. Kapag nasuwertehan na ang audience mo ay ang pangalawa, tiyak na pataas nang pataas ang rating.

Character actress bumalik sa masamang bisyo, nawawala na naman sa sarili

Noong mga nakaraang panahon, naging very visible na ang isang mahusay na character actress na galing sa angkan ng mga sikat na artista.

Unti-unti na naman siyang naglaho sa eksena. Reklamo ng kanyang mga nakasama sa mga teledrama, feeling kasi niya, siya ang pinakamagaling umarte. Kahit mga director ay inaaway at ipinipilit ang kanyang gusto.

Kung minsan, hindi rin siya maka-deliver ng dialogue. Ang hinala nila, bumalik sa kanyang masamang bisyo. Kung high kasi sa drugs o kaya naman ay lasing sa alak nabubulol ang dila.

BB maligaya sa karelasyong Amerikano na konektado rin sa showbiz

Natatandaan ko pa noong madalas naming makita sina Rustom Padilla at Carmina Villarroel na kumakain sa isang restaurant sa St. Francis Square, sa likod ng SM Megamall sa Mandaluyong City.

Noong nakausap namin si BB Gandanghari, tunay na higit siyang babae sa kanyang former wife. Sinabi pa niya na hindi niya biopic ang gustong gawing pelikula, ‘‘Ang gusto ko to translate on film noon ang memoirs ng baklang si Rustom Padilla. Bigla ngang namatay, kaya hindi natuloy.’’

Napalitan na ang plano ni BB na ang gawin naman ay ang memoirs ng bago niyang katauhan, 15 to 20 years from now!

Siyempre kasama ang current love affair ng “Tarantula” sa kanyang puting American boyfriend.

‘‘Oh I am so happy with him,’’ pag-amin ni BB. “He is very supportive. He understands my job because he is also in showbiz.”

Kung ang stage play na Halik ng Tarantula, ayaw na raw panoorin ni Mommy Eva Cariño Padilla, lalong hindi niya nanaising makita ang kanyang beautiful daughter na nakikipaglaplapan sa ’Kano!

How about Robin Padilla? Biglang nag-blush ang New York City model at nahirapang hagilapin ang isasagot!

 

Show comments