Kaya hindi matapus-tapos: Staff ng Indie film naglayasan, ka-weirdo-han ng director hindi nakayanan

Malala na raw ang problema ng direktor kaya kung anu-ano na lang daw ang pinaggagagawa nito sa set ng isang indie movie na kanyang ginagawa.

Naloka ang isang staff ng naturang indie film dahil sa pinakitang weird na attitude ng director. Noong mag-meeting naman sila noong una ay maayos naman itong kausap. Nakikipagbiruan pa nga sa kanila.

Pero noong magsimula na sila ay unti-unti raw itong nagbabago ng ugali. Umabot na sa nagsisigaw ito at nagmumura sa set kahit wala naman siyang dapat na ikagalit.

Tuloy pati ang mga artista na kasama sa cast ay bothered na baka hindi matapos ng director ang indie film dahil baka magkaroon ito ng nervous breakdown.

Para na lang hindi magkaroon ng problema, nag-resign na lang ang ibang staff dahil hindi na nila kaya ang ugali ng director. Kesa naman sa makipagmurahan sila rito, iwan na lang nila para walang mahabang usapan.

Kaya kailangan tuloy na mag-hire ulit ng bagong staff para umandar ang project. Ang problema ay walang may gusto nang makipagtrabaho kay Direk dahil nalaman na nila ang ugali nito mula sa mga umalis sa project.

Kaya nakatengga ngayon ang indie film hanggang walang makuhang staff. ’Yung mga artistang kinuha ay tumanggap muna ng ibang trabaho dahil may kutob na silang hindi matatapos ang indie film dahil sa hindi magandang pagtrato ng kanilang director sa mga kasama nito.

Gian Magdangal hinAhasa ni Direk Ricky

Hindi ini-expect ng singer turned actor na si Gian Magdangal na pupurihin siya ng actor-director na si Ricky Davao dahil sa pagganap niya bilang kontrabida sa afternoon drama series na Forever.

Si Gian ang kontrabida ni Geoff Eigenmann sa naturang panghapon na teleserye ng GMA 7. Pero hindi ito ang unang pagkakataon na gumanap siyang kontrabida. Una siyang naging kontrabida sa series na Kokak na idinirek din ng actor-director.

Inamin ni Gian na kaya niya tinanggap ang muling magkontrabida ay dahil kay Direk Ricky.

Ayon kay Direk Ricky, may certain range in acting si Gian na hindi niya nakikita sa ibang mga artista ngayon. Na-impress na siya kay Gian noong idirek niya ito for the first time sa Kokak.

Kaya muling hiniling ni Direk Ricky si Gian para gumanap na Rico, ang reincarnation ng kontrabidang si Federico na ginampanan ni Marc Abaya.

Konting hasa na lang ay makikilala na si Gian bilang isang mahusay na supporting actor.

Sobrang flattered ang singer sa mga papuri ni Direk Ricky sa kanya kaya labis ang pasasalamat niya sa actor-director.

Best director sa Golden Globe Ben Affleck tinalo ang kalibre ni Steven Spielberg

Tinalo ng actor turned director na si Ben Affleck si Steven Spielberg para sa best director award sa kakatapos lamang na Golden Globe Awards sa Hollywood.

Nanalo si Ben para sa dinirek niyang pelikula na Argo na nanalo ring best motion picture-drama. Tinalo nito ang mga critically-acclaimed films na Lincoln ni Spielberg at Zero Dark Thirty ni Kathryn Bigalow. Pero nakuha ng mga pelikulang ito ang best actor (Daniel Day-Lewis for Lincoln) at best actress (Jessica Chastain for Zero Dark Thirty) trophies.

Big winner din ang musical na Les Miserables dahil nanalo ito bilang best motion picture-comedy or musical, best supporting actress (Anne Hathaway) at best actor (Hugh Jackman).

Ang bida naman ng Hunger Games na si Jennifer Lawrence ay napanalunan ang best actress in a comedy or musical for Silver Linings Playbook.

Sa TV naman, waging-wagi ang drama series na Homeland na nakuha ang best drama series, best actress (Claire Danes) at best actor (Damian Lewis).

Ang comedy series naman na Girls ay nakuha ang best comedy series at best actress para sa newcomer na si Lena Dunham. Tinalo niya ang veteran comediennes na sina Tina Fey, Amy Poehler, Julia Louis-Dreyfus, at Zooey Deschanel.

Si Jodie Foster naman ang nakakuha ng Cecil B. DeMille Lifetime Achievement Award. Ang dating child actress ay kaka-50 years old kamakailan.

Show comments