It’s likely nga na magkaroon man ng sequel ang Sisterakas, confirmed top grosser in the recently concluded Metro Manila Film Festival (MMFF), paninindigan ni Kris Aquino ang kanyang sinabing ’di na siya magiging part ng cast nito.
If at all, balak niyang for her next film project ang makasama naman niyang komedyante ay si Eugene Domingo. May titulo na ang pelikula, na ayaw pang i-divulge ni Eugene, the source of this report, at sabi nga raw ni Kris sa kanya to have everything under wraps muna.
Pero puwede na yatang ipaalam sa publiko na ang gustong sumulat ni Kris ng iskrip ay si Chris Martinez at ang magdirek ay si Joyce Bernal.
Si Direk Joyce ang kasalukuyang namamahala ng upcoming drama series ni Kris, kasama sina Robin Padilla at Anne Curtis, KailaÂngan Ko’y Ikaw, on ABS-CBN.
Si Direk Joyce rin, if you recall ang nagdirek ng dalawang blockbuster comedy movies ni Eugene, ang Kimmy Dora at ang Kimmy Dora and The Temple of Kiyeme, both sinulat din ang story and script ni Chris.
Her movie with Kris will have them play two interesting characters on TV. Na sa gist pa lamang ay natatawa na raw siya, sabi ni Eugene.
Meanwhile, busy si Eugene completing her indie movie, Tuhog, which, for the first time, will pair her with Jake Cuenca.
Dito raw sa Tuhog, sabi ni Eugene, change of image siya, kumbaga, as she will have a number of love scenes with Jake.
Kay Kris, kung may balak man daw siyang gagawing project with her best friend, Vice Ganda, it will be a sitcom na, siyempre pa, ayaw muna nilang pag-usapan seriously kasi they are both busy with TV work.
Kris is currently taping for her series, Kailangan Ko’y Ikaw, na mag-i-start ng i-air third week ng January. Daily ang airing nito.
She has another daily talk program, Kris TV.
’Tapos magsisimula na rin siya with the reality show, Pilipinas Got Talent (PGT), bilang judge ng reality program together with AiAi delas Alas, and Freddie Garcia, former ABS-CBN president.
Luis Manzano and Billy Crawford are hosts of the show, now on its third season.
MMFF 2012 kumita ng mataas na 21 percent
Guess how much the year 2012 MMFF grossed all in all? Yes, in gross ticket sales, wika nga.
Well, a total of P768.8 million, na ayon kay Francis Tolentino, chair of the Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) and head, likewise, of the MMFF executive committee, is 21 percent ang laki kesa kinita ng MMFF in 2011.
As already publicized, Sisterakas, a Star Cinema and Viva Films entry, is this year’s official top grosser. The film, directed by Wenn Deramas, stars AiAi delas Alas, Kris Aquino, and Vice Ganda.
Pumangalawa ang One More Try, another Star Cinema entry, with P179.5M gross. Directed by Ruel Bayani, the cast includes Angelica Panganiban, Dingdong Dantes, Zanjoe Marudo, and Angel Locsin.
Third placer naman ang Si Agimat, si Enteng, at si Ako, starring Sen. Bong Revilla, Jr., Judy Ann Santos, and Vic Sotto na ang total na kinita naman in two weeks ay P133.5M.
Regal Entertainment, Inc.’s Shake, Rattle & Roll XIV: The Invasion, invaded the top four positions na ang kinita naman ay P45.3M.
A three-episode horror-suspense movie, the film directed by Chito Roño, stars Quezon City Mayor Herbert Bautista, Arlene Muhlach, and Janice de Belen (Pamana episode); Vhong Navarro and Lovi Poe (Unwanted); and Dennis Trillo, Martin Escudero, and Paulo Avelino (The Lost Command).
As for the remaining four entries, ’di na nai-disclose ng MMDA ang individual na kinita ng El Presidente: The General Emilio Aguinaldo Story and the First Revolution, The Strangers, Sosy Problems, and Thy Womb.