^

Pang Movies

Sen. Bong nagbitaw ng salita, una’t huli na ang madugong teleserye!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Pawisan si Sen. Bong Revilla, Jr. sa guesting niya kahapon sa H.O.T. TV dahil sa studio lights na nakatutok sa kanya.

Kung napanood ninyo kahapon ang H.O.T. TV, makikita ninyo na tagaktak ang pawis ni Bong. na nag-dialogue na baka first and last teleserye niya ang Indio dahil time-consuming ito.

Hirap si Bong sa taping ng Indio dahil siya mismo ang gumagawa ng action stunts at maghapon at magdamagan ang trabaho niya.

Sulit naman ang mga pagdurusa ni Bong dahil ang gaganda ng mga eksena ng kanyang epic serye.

Pinaghandaan ni Bong ang taping ng Indio. Kahit award-winning actor, nagkaroon si Bong ng acting workshop kina Laurice Guillen at Pen Medina. Tinulungan din siya ng kanyang acting coach na si Phillip Salvador.

Sarah sasagot pa rin

Nagbitaw ng salita si Sarah Lahbati na sasagutin niya ang lahat ng mga isyu na kanyang kinasasangkutan sa wastong panahon.

Dalawang demanda ang haharapin ni Sarah, ang demanda ni GMA Films president Atty. Annette Abrogar at ang civil case na isinampa ng GMA Network, Inc.

Hiningi ng Startalk ang panig ni Sarah pero sumagot ito na magsasalita siya sa tamang oras. Kung kailan, tanging siya ang nakakaalam.

Richard at Sarah realistic sa love scenes

Napanood ko na ang trailer ng Seduction. Totoo ang mga pralala na seksing-seksi si Sarah sa kanyang mga eksena.

Mainit ang mga love scene nina Sarah at Richard Gutierrez sa Seduction. Komportable sa isa’t isa ang dalawa kaya realistic ang kanilang mga naglalagablab na love scene.

Afraid si Sarah sa magiging reaksiyon ng mother dear niya sa sizzling love scenes nila ng kanyang real-life boyfriend.

Jomari kabigla-bigla ang inilobo

Shocking ang katabaan ni Jomari Yllana sa Indio. Ang akala ko, exaggerated ang mga kuwento na malaking-malaki ang tiyan niya pero totoo pala at malinaw na ebidensiya ang kanyang mga eksena sa Indio.

Nagulat ako sa biglang paglobo ng katawan ni Jomari dahil physically fit siya nang magkita kami noon sa story conference ng unang teleserye ni Bong.

Hindi pa huli ang lahat dahil may oras pa si Jomari na magpapayat para mahinto na ang mga insensitive comment ng mga tao.

Bela wala pang kasunod na trabaho

Finale week na pala ng Magdalena, ang afternoon teleserye ng GMA 7 na magwawakas sa Biyernes.

Parang kailan lang nang magpatawag ng presscon ang GMA 7 para sa drama series na pinagbidahan ni Bela Padilla.

Hindi pa alam ni Bela ang next project niya sa kanyang home studio pero malaki ang pasasalamat ng dalaga sa GMA 7 dahil nabigyan siya ng solo starrer.

vuukle comment

ANNETTE ABROGAR

BELA PADILLA

BONG

DAHIL

INDIO

JOMARI

SARAH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with