Tanggap ni Kim Chiu ang relasyon nina Maja Salvador at Gerald Anderson. Nagbigay na nga siya ng pahayag tungkol dito.
Pero kahit na nga merong nangyayari kina Maja at Gerald, tuloy ang trabaho nila ng dating bestfriend sa Ina Anak Kapatid na magsisimula na ang Book 2 next week.
Wala naman daw tensiyon na nangyayari sa kanila ni Maja pero ramdam naman nahirapan siyang tanggapin ang pagpatol ng kapwa young actress sa kanyang ex samantalang alam nito ang lahat-lahat na nangyari sa kanila ng ex.
Serye ni Bong pang-international ang dating
Namangha ang press people na dumalo sa pilot episode screening ng Indio dahil sa ganda ang dating ng epicserye ng GMA 7. Sabi nga ni Sen. Bong Revilla, Jr. ang Indio ay isang pagbubunyi sa pagiging marangal ng bawat Pilipino, isang pagkilala sa mga magagandang katangian natin bilang isang lahi mula noon hanggang ngayon.
Gagampanan ni Bong ang karakter nina Malaya at Simeon na anak ng isang diwata at ng isang tao na nagtataglay ng pambihirang lakas at mabuting kalooban. Siya ang nakatakdang lumaban sa mga nananakop na Kastila.
Inamin din ng actor-politician na tinatanaw niyang malaking utang na loob sa GMA ang napakalaking proyekto kung saan hindi inalintana ang malaking budget.
Napakarami ng cast na binubuo ng mga Kastila, mga katutubo, at mga diwata. Magaling na direktor si Dondon Santos at magaling na writer si Suzette Doctolero, under sa supervision nina Jake Tordesillas at Juan Lana.
Mapapanood ito simula Lunes, Jan. 14, sa Telebabad block ng GMA 7.
Teamwork importante sa Teen Gen
Isa sa mahalagang katangian para matagumpay ang nilalayon ng isang grupo ay ang teamwork na makikita sa Teen Gen. Nagkaroon ng field trip pero naiwan ang service sina Lyca at Angge. Ganun man, nagkasama-sama pa rin ang grupo on their own.
Naligaw sila at walang signal sa lugar na napuntahan. Bago mag-sunset naayos ang lahat dahil sa teamwork. Away-bati pa rin ang drama nina Peachy at Wacks pero nagkausap na rin ang dalawa matapos ang 17 years na gap.