^

Pang Movies

Sarah ayaw ng lapitan ng mga kaibigan!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Kinasuhan na ni Ms. Annette Gozon-Abrogar si Sarah Lahbati matapos itong magpakawalang muli ng iba’t ibang problema sa Twitter particular na ang isyu sa ICON Management. Pero mukhang ang sinasabing sabwatan ng isang management firm at ilang executives ng GMA ay matagal nang usapan kaya inimbestigahan ng kumpanya at mukhang noong una ay lumilitaw na whistleblower pa si Sarah.

Sinabihan pa siya ni Mr. Felipe Gozon na kaila­ngang ilabas niya ang lahat ng kanyang nalalaman pero “nang makasali si Annette (Gozon Abrogar), nabaliktad na ang istorya,” ang tanging nasabi ng aktres.

Marami rin ang nagtatanong, bakit bigla na lang nag-resign ang head ng GMA Artists Center nila na si Arsi Baltazar nang magsimula ang kaguluhan? At pinalitan diumano ng isang dating ABS-CBN man. Pero may banta rin si Arsi na idedemanda niya si Sarah.

Sa statement kasi ng Kapuso actress, sina Arsi at Annette ang mga executive na kumukumbinsi sa kanya na pumirma ng co-management contract sa ilalim ng ICONS ni Bebong Muñoz para mas makakuha siya ng maraming assignment at endorsement.

May ilang insiders din naman sa GMA ang nagpahayag ng saloobin sa amin.

“Tutal hindi naman siya pumirma, sana nanahimik na lang siya. Sa una lang naman siguro siya gigipitin para pumirma pero kung hindi puwede, hindi siya mapipilit. Hindi rin naman nila napilit ang iba,” sabi ng isa sa mga nakausap naming insider.

Pero kung iisipin, magiging sacrificial lamb nga lang siguro si Sarah Lahbati. Maaari ngang masira na ang kanyang showbiz career pero ang maganda naman sa pangyayari, kung totoo nga ang kanyang mga bintang o hindi, hindi na mangyayari iyon sa iba pang talents dahil sa kaguluhang nilikha ngayon ng kaso niya.

Siguro sa mga susunod na araw, maski na ang mga kaibigan ni Sarah ay iiwas na muna sa kanya dahil sa takot na madamay sila pero sila rin ang makikinabang. 

Coco marami na namang pahihirapang kasabay

Matagal na rin namang walang gumagawa ng panibagong character ng isang Pinoy na superhero. Wala na kasing komiks, at sa aminin man natin o hindi, ang superheroes ay nalikha lamang dahil sa komiks. Karamihan ng mga Pinoy superhero ay nilikha pa ni Mars Ravelo, at ilang dekada nang yumao si Uncle Mars. Ang kanyang mga character pa rin ang paulit-ulit na ginagawan ng mga pelikula at serye sa telebisyon. Kasi nga, walang iba.

Pero nagulat kami noong isang gabi sa isang trailer ng serye ng ABS-CBN. Walang costume o maskara ang character na ginagampanan ni Coco Martin, pero may super power, si Juan dela Cruz.

Maganda ang pagkakagawa, at mukhang matindi ang ginamit nilang opticals. Malakas ang aming kutob na kung ’yan ang isasabak nila sa primetime, maraming kalabang shows na pahihirapan. Bago kasi ang concept at Pinoy na Pinoy talaga.

           

 

ANNETTE

ARSI

ARSI BALTAZAR

ARTISTS CENTER

PERO

PINOY

SARAH LAHBATI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with