^

Pang Movies

Kim hindi pa limot ang mga ginawa ni Gerald!

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Sa mga pahayag at reaksiyon ni Kim Chiu ngayon, obvious na mahal pa rin niya si Gerald Anderson at hirap pa siyang makalimutan, kahit mahigit na dalawang taon na silang hiwalay. Ibig bang sabihin nito, panakip-butas lang si Xian Lim?

Nagkaroon ng dahilan si Kim upang ilabas ang lahat ng kanyang mga kinikimkim na emosyon sa paglantad ng romansang Maja Salvador at Gerald. Kung noong 2010 ay nanahimik siya, naibulalas niyang bigla ang kanyang mga saloobin ngayong 2013.

Say ng mga close sa young actress, baka takot lang siya sa mga bagay na naipagtapat niya sa kaibigang si Maja. Tiyak marami siyang secrets about the past relation that she confided to her close friend.

Nangangamba si Kim na baka bumalik lahat kay Gerald ang mga kuwento through her best friend pa naman na si Maja!

History ng starlet na inuna ang career  kesa ituloy ang pagbubuntis, naulit!

Ewan ko ba kung bakit biglang bumalik ang nangyari sa isang starlet na kinalasan ng kanyang actor boyfriend. Hindi lang kasi basta matindi ang naging away ng dalawa.

Gusto ng aktor, buuin ang bunga ng kanilang pagmamahalan. Ayaw pumayag ng girl dahil masisira ang kanyang career. Dahil nanaig ang nais ng higit na nagdadala ng malaking problema, kinalasan agad siya ng kanyang boyfriend.

Christian mas may career sa Indonesia!

Sabi nila, higit na sikat si Christian Bautista sa Indonesia. Naging bida kasi siya sa isang pelikula roon, sa TV musical, at naging hit pa ang album. Last year, ilang ulit din siyang naging guest star sa mga Indonesian TV show.

Samantalang dito sa bansa, hindi man lang napansin nang ipalabas ang kanyang Indonesian movie. Dapat doon muna siya maglagi nang husto upang higit na umunlad ang kanyang career.

Dito sa Pilipinas, marami siyang competition na higit na tinatangkilik ng mga kapwa Pinoy. Makabubuti kung si Christian ay magiging Indonesia-based na, kahit isa o dalawang taon. Magbakasyon na lang siya rito kung may mga malalaking commitment.

QCinema Filmfest winners makakatanggap na ng P800K

Ipinahayag nina Mayor Herbert Bautista at Vice Mayor Joy Belmonte ang tatlong nagwagi para sa first QCinema Film Festival this 2013. Ang mga nanalo ay bibigyan ng grant na tig-P800,000 mula sa Quezon City Film Development Council upang tapusin ang kanilang mga film project.

Sina Alvin Yapan (Gaydar), Noel Ferrer (Hello World), at John Torres (Lukas Nino) ang mga winner.

Nakilala natin si Yapan sa obrang Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa, na Urian best picture winner. Si Noel ay mahilig manood ng sine at mula sa Asia Pacific Film Institute.

Si John naman ay nagawagi na sa iba’t ibang foreign film festivals para sa kanyang pelikulang Todo Todo Teros.

Mula sa 71 entries ang tatlong nagwagi. Ipapalabas ang mga chosen film sa mga special event ng Quezon City. Lahat pa rin ng rights sa tatlong pelikula ay pag-aari ng mga winning filmmaker.

Mother Lily na-tension sa sunog

Kahit nasa Asian cruise pa si Mother Lily Monteverde, tensiyonada siya noong last shooting day ng Seduction. Panay ang overseas call niya upang paalalahanan ang kanyang staff na mag-ingat sa finalé scene na kukunan.

Sa climax ng Seduction, ang backdrop ay masusunog ang malaking bahay sa San Juan, na ginamit sa erotic film. Say ni Direk Peque Gallaga, ang mga character nina Solenn Heussaff at Sarah Lahbati ay kumakatawan sa apoy at tubig, respectively.

Kapag nadisgrasya nga naman at kumalat ang malaking sunog sa set, madadagdagan ng milyones ang production cost ni Mother Lily.

vuukle comment

ANG SAYAW

ASIA PACIFIC FILM INSTITUTE

CHRISTIAN BAUTISTA

DALAWANG KALIWANG PAA

DIREK PEQUE GALLAGA

KANYANG

MOTHER LILY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with