May pahiwatig na ang presidente ng GMA Films na si Annette Gozon-Abrogar na posÂsible siyang magsampa ng demanda laban sa aktres na si Sarah Lahbati matapos siyang isangkot sa sinasabi niyang isang nakakasirang statement sa Twitter.
Iyon ay matapos sabihin ni Sarah na sina Abrogar at Arsi Baltazar ang siyang kumukubinsi sa kanya na pumirma sa ilalim ng management firm in Bebong Muñoz para mas makakuha siya ng maraÂming assignments at endorsements. Bilang kabayaran sa serbisyo, sinasabing babawasan ng management firm ng 40% ang kanyang kita.
May bintang si Sarah na nang tumanggi silang mag-ina na pumirma at sabihing pag-aaralan muna nila iyon, nagsimula na ang panggigipit sa kanya.
Sa parte naman ng GMA, sinabi nilang pinagugulo lamang ni Sarah ang tunay na issue, at iyon ay ang paglabag niya sa kontrata sa ginawa niyang pag-alis patungong abroad kahit na hindi siya pinayagan. Sinabi rin ng GMA na hindi nila ire-release sa kontrata si Sarah dahil malaki na rin naman ang puhunan ng network sa kanya.
Kung hindi naman mare-release si Sarah, isang bagay ang tiyak, magiging isa na siya sa frozen beauties ng network at pagkatapos ng kanyang kontrata sa kanila, wala na siyang career. Iyon ang problema minsan sa mga artistang ’yan eh, pumipirma ng kontrata sa simula nang hindi iniisip kung ano ang mga posibilidad kasi lahat naman in good faith. Hindi naman nila iniisip pare-pareho na magkakaroon ng mga ganyang hindi pagkakasundo.
Pero ang tama nga sana, pag-aralang mabuti ang lahat ng mga kontrata sa simula pa lang para kung magkaroon man ng problema later on ay may way out ka naman.
BB mas pinaboran ang sex change kesa pamilya
Ngayon ay hayagan nang sinasabi ni BB Gandanghari na handa na siyang sumailalim sa sex change. Medyo matagal pa naman bago ang operasyon pero sumasailalim na siya sa psychological counseling na bahagi ng proseso sa pagpapalit ng kasarian.
Pero kung gagawin na nga iyon ni BB o ni Rustom Padilla ay para na rin niyang pinutol ang pakikipag-ugnayan sa kanyang pamilya. Sinasabi ni Robin na inuunawa niya ang damdamin ng kanyang kapatid pero ang sex change ang talagang tinututulan niya simula pa noon. Si Robin ay sumusunod sa pananampaÂlatayang Islam.
Iyon din naman ang sinasabi ng kanyang inang si Eva Cariño, ayaw niya ng sex change dahil siya naman ay tagasunod ng Jehovah’s Witness. At nangako noon si Rustom sa kanya na hindi aabot sa ganoon ang kanyang paglaladlad.
TV exec kinakabahan, kalakaran ng lagayan nagkakabistuhan na
Kinakabahan na ang isang TV executive dahil nagkakabistuhan na ngayon kung paanong minamaneobra ang mga talent para pakinabangan nang husto ng mga malalakas kasi baka mabuko rin naman kung ano ang ginagawa niya noong araw, na ang isang artista para makakuha ng magagandang assignment ay kailaÂngang maglagay din sa kanya, at magsisimula ka sa isang mamahaling bag.