May falling out nga na nangyari sa pagitan ng GMA Artist Center (GMAAC) at sa talent nilang si Sarah Lahbati.
Sa pamamagitan ng social networking site na Twitter, inilabas ni Sarah ang kanyang sama ng loob sa artist development and management center ng Kapuso Network kung saan nakakontrata ang Fil-Swiss actress ng higit na tatlong taon simula noong manalo siya bilang Starstruck 5 Female Ultimate Survivor noong 2010.
Sa Twitter account ni Sarah na @SarahLahbati na meron siyang 330,364 followers, sinimulan niyang i-tweet ang kanyang sentimyento sa GMAAC.
Nangyari ito noong Jan. 2 at 11:23 p.m.
Lumalabas na maraming reklamo si Sarah sa mga humahawak ng kanyang career sa GMA 7 kaya nagdesisyon ito at ang kanyang magulang na pumirma sa Royal Artist na siyang talent management outfit ni Annabelle Rama. Kinuha nilang co-manager si Annabelle. Boyfriend kasi ni Sarah ang anak ni Annabelle na si Richard Gutierrez.
Heto ang mga naging tweet ni Sarah:
“To all my friends and supporters, I’d like to thank you for the love and loyalty you’ve given me. I’ve been very blessed last year and I’m grateful to all of you but unfortunately you will be seeing less of me this year for reasons that are hard to explain through Twitter...
“I’ve had misunderstandings with the people who are handling my career. I am still thankful to them for the efforts they have shown in the past but now I feel neglected and my back is against the wall... Therefore I have to do something. Just to clarify this issue that’s been going around, I signed a contract with Royal Artist (Tita Annabelle Rama) as a co manager with GMA Artist Center because I needed someone to protect & help my well being in this cut throat industry. Tita Annabelle only wants the best for me, with her years of experience and success in this industry I know that she’s the right person to help me.”
Kabahagi ng mga tweet ni Sarah ang pag-offer ng GMA na pumirma siya sa ICONS Talent Management Agency.
Ang ICONS Talent Management Agency ay isa pang management arm ng GMA 7 na pinapatakbo ni Bebong Muñoz, ang ex-boyfriend ni Jolina Magdangal.
Hindi raw sumang-ayon si Sarah at ang parents nito sa malaking percent na tatanggalin ng ICONS sa makukuhang talent fees.
Heto ang tweet ni Sarah tungkol sa issue:
“When my family made this decision, we were already sure that an artist tied up with GMA Artist Center such as myself can be co-managed by another talent company because I was offered by top management of GMA to sign a contract with ICONS management just a few months before i signed with Tita Annabelle. I didn’t sign with ICONS because they wanted to deduct another 15% on top of the 25% that is being deducted by GMA Artist Center. We found that too steep of a deduction for someone who just started such as myself.”
Dahil nga sa issue na ito, mas gusto pa ng parents ni Sarah na bumalik na lang ito sa Swizerland para tapusin ang kanyang pag-aaral.
Heto ang sinabi ni Sarah sa Twitter tungkol dito:
“Because of all of this uncertainty and stress, my family and I decided that I go back to Switzerland and study there :( ... This does not mean that I will be gone from the industry and craft that I love... Just a breather from all the chaos... Nakakalungkot na umabot pa sa ganito. But I’m also excited to study... I trust God’s plans for me... :)”
Kung matuloy nga ang desisyon na ito ni Sarah na bumalik na lang sa Switzerland, tiyak na marami ang manghihinayang sa nasimulan na niyang career sa showbiz, lalo na’t bini-build up nga siya bilang leading lady.
Meron pa naman siyang bagong TV show sa GMA 7 na Indio at may pelikula siyang natapos na Seduction kung saan kasama nito ang boyfriend na si Richard at co-star nila si Solenn Heussaff.