Pagkapanalo ni Janine hindi na gaanong pinag-uusapan
Humabol sa listahan ng mga Pilipino na nagbigay ng karangalan sa ating bansa si Rizzini Alexis Gomez, ang 22-year old Cebuana na nanalo ng Miss Tourism International title sa Malaysia noong bisperas ng Bagong Taon.
Nagulat na lang ang buong bansa nang malaman nila na may isang Pinay na nag-win ng korona sa isang international beauty contest.
Hindi si Rizzini ang first Pinay na nanalo ng Miss Tourism International title dahil napanalunan din ito ni Joanne Quintas noong 1997. Hindi pinalad si Joanne nang sumali siya sa Miss Universe noong 1995 pero two years later, siya ang nag-uwi ng Miss Tourism International crown.
Walang plano si Rizzini na pumasok sa showbiz. Hindi kasama sa kanyang balak na sundan ang mga yapak ni Joanne pero naging artista muna ito bago sumali sa Bb. Pilipinas Contest.
Bihira nang lumabas ngayon sa TV at pelikula si Joanne dahil maligaya siya sa kanyang lovelife. Huwag n’yo nang itanong kung sino ang mhin na nagpapasaya kay Joanne dahil hindi ko sasabihin. Basta mabait at love ko rin siya.
Hindi masyadong maingay ang tagumpay ni Rizzini sa Kuala Lumpur dahil iba naman ang level ng beauty contest na kanyang sinalihan at hindi dapat ikumpara sa Miss Universe.
Maingay na maingay ang balita nang ideklara na 1st runner up sa Miss Universe si Janine Tugonon pero hindi nagtagal ang balita dahil panahon ng Kapaskuhan nang manalo siya.
Sandali lamang na pinag-usapan ang victory ni Janine dahil inuna pa rin ng mga tao ang Christmas shopping. Aligaga na sila sa pagpunta sa mall at tiangge para bumili ng mga regalo.
Aktor malungkot ang Pasko at Bagong Taon, nanay may sakit
Medyo hindi masaya ang Pasko at Bagong Taon ng isang aktor dahil may sakit ang nanay niya.
Ang gumaling ang karamdaman ng kanyang ina ang panalangin ng aktor at ng kanyang mga kapatid. Sana nga, matupad ang kanilang mga dasal na madugtungan pa ang buhay ng kanilang mahal na nanay.
Mga beach sa ‘Pinas mas pinili ng isang sosyal na mag kesa sa Maldives
Kasali ang Pilipinas sa listahan ng mga destination to watch for 2013 ng isang sosyal na international travel magazine.
Good news ito para sa mga Pilipino dahil malaki ang maitutulong sa tourism industry ng article at rekomendasyon na inilabas ng Conde Nast. Wish ko lang, maayos at mapaganda na ang ating mga airport para hindi ma-disappoint ang mga turista na bibisita sa Palawan, Bicol at iba pang bonggang lugar sa ating bansa.
Imagine, mas pinili ng Conde Nast staff ang mga beach ng Pilipinas kesa sa Maldives!
Sosyal di ba?
- Latest