^

Pang Movies

Nora, walang kasalanan

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines - “Kahit li-lima na lamang po ang nakikinig sa akin, li-lima ang nanonood sa pelikula ko, itutuloy ko pa rin ang pagkanta at pag-arte,” sabi ng best actress na si Nora Aunor.

Maganda at original ang pelikula niyang Thy Womb pero masisisi ba ang mamamayang nanonood ng film festival? Sa hirap na dinanas sa buhay, manonood ka pa ng iyakan at katatakutang pelikula? Hindi kasalanan ni Nora ang hindi pagtangkilik ng mga manonood. Artista lang siya at sumusunod sa namamahala. Ang malupit ay ang mga may-ari ng sinehan!

Kita n’yo naman inalis agad sa mga sinehan. Hindi alintana ang nagastos sa pagpo-produce para may maipalabas na pelikula sa kanilang sinehan. Madadamot ang mga may-ari pero takot naman sa mga higanteng pulitikong kumakausap sa kanila.

Atty. Persida tumutulong sa mga kasambahay

Kararating lang ng Darling of the Press na si Atty. Persida Acosta sa Davao pero ang gandang welcome ang salubong niya sa grupong MOWPAPP o Movie Writers and Press Photographers Association of the Philippines noong mag-caroling sa opis niya sa Public Attorney’s Office (PAO). Nagkataong may meeting din siya sa office noon pero hinarap at inasikaso ang members ng grupo. Mataas ang pagtingin ni Atty. Persida sa entertainment media.

Naitsika pala niya na sana raw ay maaprubahan na ang tinutulungan niyang mailakad na batas na maproteksiyunan ang mga kasambahay at mabigyan ng magandang suweldo at pagtingin ng mga amo nila.

Nabanggit din niya na maraming magandang nag-o-offer na gawing pelikula ang buhay niya. Maganda ang istorya ng Bulakenyang abogada.

Salamat sa mga celeb!

Nagpapasalamat din ang MOWPAPP sa mga artistang sina Susan Roces, Helen Gamboa, Gloria Romero, Valerie Concepcion, mag-asawang Richard Yu at Amanda Amores ng Quezon City Sto.  Domingo Chairman, Barbara Milano, Quezon City Mayor Herbert Bautista, Laila Dee, Noel Ferrer, Jess Sanchez, Richie Corpuz of Adritz, Mom Carol of Planex, Herbs and Nature Corporation’s Mike Gamboa sa Erase product, at sa Nena’s Bibingka sa Cubao, Quezon City para sa aming Christmas party.

Pinasaya rin ni Sen. Bong Revilla, Jr. ang nakaraang Actor’s Guild party na ginanap sa MOWELFUND. Nagpa-raffle siya ng bigas at si Kuya German Moreno ay nagbigay din. Emcee sina Janice Jurado at Amy Bisaya. Ang pangulong si Philip Salvador ang tumatawag sa mga nabubunot sa raffle.

Namataan namin sa party sina Jess Sanchez, Direk Baldo Maro, Danny Labra, Rey Solo, Gerry Rama, Arnold Esguerra, Ronald Nepomuceno, Jeric Vasquez, Direk Kaka Balagtas, Danny Zapra, at character actor na si Nonoy de Guzman. Ang original Pusong Bato singer na si Aimee Torres ay nakahabol pa sa pagtatapos ng party.

Happy New Year sa lahat!

AIMEE TORRES

AMANDA AMORES

AMY BISAYA

ARNOLD ESGUERRA

BARBARA MILANO

BONG REVILLA

DANNY LABRA

DANNY ZAPRA

JESS SANCHEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with