MANILA, Philippines - Hindi pa man opisyal na magsisimula ang Year of the Water Snake bukas, kanya-kanyang obserbasyon na mangingibabaw ang “ahasan” sa showbiz.
Kung hindi man sa relasyon, tiyak na magkakaroon ng ahasan ng mga talent ang tatlong networks.
Ahasin kaya ng young actor ang isang sexy actress sa actor-boyfriend nito kapag nagsimula na ang taping ng teleserye nila?
Muli kayang maahas ng tomboy ang isang magaling na aktres sa boyfriend nito? Bago kasi napunta sa lalaki, sa mga tomboy muna nagkaroon ng relasyon ang magaling na aktres.
Sana, hindi lang ahasan ang dala ng water snake.
Richard inararo sa lababo si Sarah!
Inararo talaga ni Richard Gutierrez ang girlfriend na si Sarah Lahbati sa lababo sa romansahan nila sa trailer ng Regal Entertainment, Inc. movie na Seduction. Bigay na bigay ang young actress sa mga halik niya kay Chard na para bang malalagutan sila ng hininga!
Isang erotic movie ang Seduction na nagpabalik sa semi-retired na si Peque Gallaga. Eh pagdating sa ganyang konsepto, subok na subok na ang megman na ginulantang ang publiko sa mapangahas niya paggawa ng Scorpio Nights.
Nasa pelikula si Solenn Heussaff. Buyangyang kung buyangyang ng katawan ang makikita sa trailer. Wala siyang pakialam kung maaninag ang kanyang tambok! Taob man niya si Sarah sa parteng ito, lamang naman ang young actress dahil siya ang nasa puso ni Richard ngayon.
Sa movie, hindi lang mga kaelya-elyang eksena ng ginawa ni Chard dahil ayon kay Solenn, nagpakita rin ng puwet ang aktor, huh!
Nancy Binay sinalo lang ang inatrasan ni Joey de Venecia
Background dati ang role ng senatoriable na si Nancy Binay. Siya ang assistant ng ama na si Vice President Jojo Binay at iniiwasang prumonta upang hindi maakusahang ginagamit ang posisyon ng ama.
Pero nagkaroon ng malaking pagbabago sa buhay ni Nancy nang siya ang hilinging pumalit sa posisyon ni Joey de Venecia na umatras sa pagtakbo bilang senador. Gustuhin man niyang umayaw eh hindi na niya nagawa bilang tugon sa hiling ng partido nila.
So, sa desisyon ni Nancy na tumakbo bilang senador, life-changing ang unang araw ng kanyang paglilibot sa bansa. Unti-unti na rin siyang nasasanay dahil dala-dala niya ang experience niya bilang assistant ng ama.
Sa kanyang advocacy, ang pagiging ina niya ang kanyang paiiralin. Gusto niyang palawakin ang edukasyon at ang health programs ng tao ang ilan sa gusto niyang pagyamanin.
Dala-dala man ni Nancy ang apelyido ng ama, alam niyang marami pa siyang kakaining bigas upang mapantayan ang achievements ng ama. ’Yan ang tinatrabaho ng masipag nating senatoriable na harinawa’y kasihan siya ng suwerte.