^

Pang Movies

LT idinepensa ni Dingdong sa mga nang-aaway!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Malakas ang chemistry nina Lorna Tolentino at Ding­dong Dantes sa Pahiram ng Sandali. Mahuhusay na artista ang dalawa kaya kapani-paniwala ang mga karakter na ginagampanan nila sa primetime show ng GMA 7.

Pero hindi tama na inaaway si LT ng fans na nagpapanggap na mga supporter nina Dingdong at Marian Rive­ra. Ginagamit nila ang social media para awayin si LT.

Sa live phone-patch interview na­min kay Dingdong kahapon sa Star­talk, sinabi niya na trabaho lang ang mga ginagawa nila ni LT dahil mga pro­fessional sila. Alam ni Dingdong na may mga umaaway kay LT sa Twitter dahil active rin siya sa social media.

Ako na ang magsasabi na walang dapat ikagalit ang fans na puwedeng nagpapanggap lang na mga tagaha­nga nina Marian at Dingdong para ma­ka­panira ng kapwa. May respeto at malawak ang mga pang-unawa ang pag­kakakilala ko sa solid fans nina Dingdong at Marian.

Dingdong nakapagpasalamat na sa MMFF

Pinasalamatan ni Dingdong Dantes ang GMA 7 dahil pinayagan siya na tanggapin ang One More Try ng Star Cinema.

Exclusive contract star siya ng GMA 7 kaya hini-ngi muna niya ang permiso ng kanyang mother studio bago tinanggap ang offer ng Star Cinema na sister company ng ABS-CBN.

Hindi nagkamali si Dingdong na gawin ang One More Try dahil ito ang nagbigay ng kanyang second best actor award sa Metro Manila Film Festival (MMFF). Noong nakaraang taon, si Dingdong din ang nag-win ng best actor trophy pero hindi siya dumalo sa awards night kaya hindi niya personal na napasalamatan ang MMFF jury at organizer.

Gianna binabakuran na ng Kuya Bryan

Hindi totoo ang mga tsismis na may boys na umaaligid kay Gianna Revilla kaya binabantayan ito ng kanyang kapatid na si Bryan.

Natawa lang si Gianna sa mga intriga dahil wala itong katotohanan. Totoo na sinamahan ni Bryan si Gianna sa guesting nito sa Party Pilipinas pero isang beses lang. Sinuportahan siya ng kanyang kuya sa unang TV guesting ng cast ng Teen Gen. ’Yun lang!                                       

Sexbomb Aifah ayaw ilantad ang pagkatao ng Fil-Chi na dyowa

Baby girl ang isinilang ng former Sexbomb dan­cer na si Aifah Medina, five days before Christmas.

Isa si Aifah sa mga kontrobersiyal na member ng Sex­bomb dancers at ex-girlfriend siya ni JC de Vera.

Ayaw sabihin ni Aifah ang pangalan ng ama ng kanyang anak. Desisyon daw niya ‘yon para ma-maintain ang privacy ng mhin na Filipino-Chinese ang lahi. Hindi pa masabi ni Aifah kung kailan bibinyagan ang kanilang anak dahil hindi pa nila napag-uusapan ng kanyang mystery dyowa.

Malaking eskandalo papasok sa 2013

Emerald green ang kulay ng blouse na suot ko kahapon sa Startalk dahil emerald green ang official color ng 2013.

Mag-expect tayo na mangingibabaw ang emerald green sa Year of the Water Snake dahil ‘yon nga ang color of 2013.

Kahapon ang huling araw ng Startalk para sa 2012 pero ayon nga sa manghuhula na si Bro. Arman Cuban, lalong sisikat ang aming show sa papasok na taon. May sinabi si Bro. Arman na mala­king scandal na mangyayari sa 2013 pero hindi na ako nag-usisa ng husto dahil walang kinalaman sa showbiz ang isa sa masasangkot sa kontrobersiya

 

AIFAH

DAHIL

DINGDONG

GIANNA

ONE MORE TRY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with