Fearless Forecast para sa taon ng ahas, inaahas, at aahasin!
Bahagi ng ating pagdiriwang at katuwaan (katuwaan lang daw, oh!) tuwing sasapit ang Bagong Taon ang fearless forecast. Kung seseryosohin, ang iba ay baka sakaling magkatotoo. Kapag pinagtawanan lang, sasabihing mga hulang suntok sa buwan at imposibleng mangyari!
Matatagpuan ni Vice Ganda ang isang ekspertong cosmetic surgeon at puwedeng may magawang milagro sa kanyang tabinging mukha. After the needed retoke, baka puwede na siyang tawaging tunay na beautiful.
Hanggang ngayon, wala pa ang hinihintay na pahayag kina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, na magkakaroon sila ng bagong baby sa 2013. Walang mangyayaring announcement dahil hindi pa sila makakabuo sa year of the water snake. Sumabak naman kasi agad sa trabaho si Juday na galing sa London, England. Sapat na pahinga ang kailangan niya para mabuntis.
Huhuthutan nang husto ng isang poging goldigger ang isang aktres na may edad. Gusto kasi ng menchu, makapagpatayo ng sariling bahay. Ang pangarap niya, meron na silang titirhan ng kanyang tunay na girlfriend kapag nagpakasal.
Makakatanggap ng marriage proposal si Nora Aunor sa isang rich, foreign film producer. Kahit hindi pa makapag-decide ang Superstar, tutulong ang mayamang banyaga sa unang pelikulang gagawin ng kanyang revived NV Productions sa 2013.
Aalukin si Anjo Yllana na gumanap ng dramatic lead part sa isang indie film. Nalinya na ang fifth district candidate for the Quezon City council sa comedy. Pero matagal na niyang gustong balikan ang drama, wala pa nga lang nagtiwala sa kanyang kayang-kaya niya ang mabibigat na papel.
Masasangkot sa isang car accident si Baron Geisler kasama ang isang kaibigan. Kahit minor lang ang injury, kakailanganing putulin ang kanyang sandata dahil ito ang na-damage ng husto.
Ilang buwan mamamalagi sa abroad si Direktor Brillante Mendoza. Tatangap siya ng isang juicy offer from a major network na kukunan sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Gagawa rin siya ng isang TV special tungkol sa ating bansa na gagastusan ng isa pang TV company.
Magaganap ang wedding of the decade sa 2013. Hindi pa ito ang kasalang Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero. Tataunin kasi nilang malapit na ang presidential elections sa 2016 before they tie the knot. Hindi lang sure kung tatagal ang kanilang relasyon ng tatlo pang taon!
Magpapang-abot ang dalawang bading na direktor na matagal ng may mga kinikimkim na galit sa isa’t isa. Sabunutang umaatikabo! Sana parehong natural ang kanilang hairdo. Para naman walang mapahiya kapag natanggalan ng peluka!
Mangyayari na ang inaasahang major facelift and change of top management people sa isang network. Matatauhan na ang may-ari ng istasyon dahil sawang-sawa na siya sa milyones na nalulugi.
Darami pa ang aarkila ng mga DVD copy sa mga rental shops sa Ongpin St. sa Manila. Doon pala ang rich source ng magagandang istorya sa mga Chinese video ng mga pelikula. Ito ang pagtutuunan nila ng pansin para mangopya ng mga istorya.
Mawawalan ng gana ang mga producer na mag-join sa 2013 Metro Manila Film Festival (MMFF). Kaya hindi sigurado ang future na dati’y masiglang film fiesta. Maging sina Vic Sotto, Sen. Bong Revilla, Jr. at iba pang kakampi, iniisip na huwag na lang sumali sa susunod na MMFF!
Si Gov. ER Ejercito naman ng Laguna, hindi mababawasan ang sigla sa paggawa ng mga makabuluhang pelikula. Marami pang makikinabang na taga-industriya sa kanyang mga big project. Malamang na makamit niya ang well-deserved recognition mula sa mga international film festival. Ang ipinagkait na nararapat sa kanya, maibibigay din on a silver platter.
Kahit hindi gaanong bongga ang career ni Eugene Domingo sa 2013, ito naman ang taon upang mag-bloom ang kanyang personal love life. Tila isang foreigner ang maakit sa kanya. Puwede rin itong humantong sa kasalan.
Si Atty. Joji Alonzo naman ay makakatagpo ng isang kasosyong banyaga, kaya higit na malalaking pelikula ang gagawin niya sa 2013.
Lahat tayo umaasa ng higit na maunlad na industriya ng pelikula at TV sa taon ng ahas. Sana naman.
Masagana at mapayapang Bagong Taon sa lahat!
- Latest