Eight Best Actress trophy na from the Metro Manila Film Festival ang napanalunan ng Superstar na si Nora Aunor sa Thy Womb. At second consecutive year naman ni Dingdong Dantes na nanalo ng Best Actor award dahil last year siya rin ang nanalo sa movie nila ni Kris Aquino, ang Segunda Mano.
Masaya at mabilis ang 38th MMFF awards night last December 27 na ginanap sa SRO Meralco Theater, produced by Viva Entertainment, sa direksyon ni Al Quinn. Maraming nahuli dahil at exactly 7:00 pm, nagsimula ang presentation, hosted by Kris Aquino and KC Concepcion. Pinag-usapan ang green long gown ni Kris na siya na yatang pinaka-sexy sa mga naisuot niya dahil sa cleavage na umabot hanggang sa waistline niya. Natawa nga kami sa isa sa mga executives ng MMFF kung may paste daw ba ang top ng gown ni Kris kaya hindi ito nawawala sa place at ma-expose ang breast ng Queen of All Media.
Ang ganda-ganda rin ni KC in a new shoulder-length hair. Pinag-usapan din ang pagkikita on-stage nina former president Joseph Estrada at Ms. Nora Aunor na tinanghal na Male and Female Star of the Night.
Nang manalo ang Thy Womb ng Gatpuno Antonio Villegas Cultural Award, sabi ni direk Brillante Mendoza: “showing pa po kami, sana makatulong ang awards namin para hindi kami ma-pull-out.”
Matapos tanggapin ni Ms. Nora Aunor ang trophy niya, sabi niya: “kahit kokonti ho ang nanood ng pelikula ko, ako na lamang ang magpu-produce para walang nalulugi. Pero patuloy akong gagawa ng mga quality films.”
Nakahabol naman si Dingdong na nagmula pa sa taping ng Pahiram ng Sandali sa Tagaytay City at hindi pumayag si Kris na hindi siya magbigay ng thank you speech dahil last year daw ay hindi natanggap ni Dingdong ng personal ang trophy nito. Nagpasalamat si Dingdong sa Star Cinema at sa GMA Network dahil pinayagan siyang gumawa ng movie sa ibang production.
First time nagbigay ang MMFF ng Fernando Poe Jr. Memorial Award na ang criteria ng mananalong movie ay may relevance to culture, history at Filipino experiences, kaya maraming naniwala na either El Presidente o Thy Womb ang mananalo, pero ang nanalo ay ang One More Try ng Star Cinema.
Narito ang list ng winners ng 38th Metro Manila Film Festival:
Best Actor – Dingdong Dantes – One More Try
Best Actress – Nora Aunor – Thy Womb
Best Picture – One More Try
Second Best Picture – El Presidente
Third Best Picture – Sisterakas
Most Gender Sensitive Award (Mainstream) – Thy Womb
Best Director – Brillante Mendoza – Thy Womb
Best Screenplay – One More Try
Best Original Story – Henry Burgos – Thy Womb
Best Supporting Actor – Cesar Montano – El Presidente
Best Supporting Actress – Wilma Doesn’t – Sisterakas
Best Cinematography – Odyssey Flores – Thy Womb
Best Editing – Vito Capili – One More Try
Best Production Design – Brillante Mendoza – “Thy Womb”
Best Visual Effects – Imaginary Friends – Shake, Rattle & Roll 14: The Invasion
Best Make-Up – El Presidente
Full Length New Wave Best Actor – Allan Paule – Gayak
Full Length New Wave Best Actress – Liza Dino – In Nomine Matris
New Wave Best Picture – The Grave Bandits
New Wave Special Jury Prize – Ad Ignoratiam
New Wave Best Director – Tyrone Acierto – The Grave Bandits
Most Gender Sensitive Award (New Wave) – In Nomini Matris
Student Short Film _ Manibela by Roberto Pagoda
Best Musical Score – Jesse Lazatin – El Presidente”
Best Sound – Michael Idioma – El Presidente
Best Child Performer – Miguel Vergara - One More Try
Best Float – El Presidente
Special Awards: FPJ Memorial Award – One More Try
Male Star of the Night – Former President Joseph Estrada
Female Star of the Night – Ms. Nora Aunor
Five Star Male Celebrity – Zanjoe Marudo
Five Star Female Celebrity – Bianca King