^

Pang Movies

Driver ng sikat na aktres nganga nung Pasko!

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Wala yatang makatagal na driver sa sikat na magandang aktres na ito, mabait naman siya kaya lang mababang magpasweldo, kuripot ikaw nga.

Sobrang puyat ang inaabot ng driver sa aktres dahil sa magdamagang taping pero hindi man lang marunong magbigay ng dagdag na sweldo kahit inuumaga na sa pagda-drive.

Hindi rin siya nabigyan ng pakonsuwelong Christmas gift o bonus gayung loyal naman sa aktres, ngayon ay nag-iisip na siyang lumipat sa iba dahil matagalang ang puyat at mababang sweldo.

Dingdong, tuloy sa pagpoprodyus ng movie

Ngayong 2013 tuloy pa rin sa pagiging prodyuser ni Dingdong Dantes matapos kumita sa takilya ang Tiktik: The Aswang Chronicles under his Agosto Dos Productions.

Prioridad pa rin nito ang kanyang career gayundin ng girlfriend na si Marian Rivera kaya malayo pa sa isipan nila ang pag-aasawa. Inamin naman ng aktor na ito ang pinakapangarap niya sa buhay-ang makasal sa babaeng pinakamamahal pero hindi pa sa ngayon.

Magbibigay silang magkasintahan ng donasyon sa mga nasalanta ng Pablo. Naniniwala si Dong na ang pinsalang ito na hatid ng bagyo ay hindi naman nakakaapekto sa kita ng mga pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival.

“Ang panonood ng pelikula ay isang paraan para maging masaya ka at makakalimutan ang problema dahil mae-entertain ka,” sabi ni Dingdong.

Tampok si Dingdong sa One More Try ng Star Cinema kasama sina Angel Locsin, Angelica Panganiban, at Zanjoe Marudo. Palabas na ang pelikula ngayon.

 

AGOSTO DOS PRODUCTIONS

ANGEL LOCSIN

ANGELICA PANGANIBAN

ASWANG CHRONICLES

DINGDONG DANTES

MARIAN RIVERA

METRO MANILA FILM FESTIVAL

ONE MORE TRY

STAR CINEMA

ZANJOE MARUDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with