^

Pang Movies

Aktres pinagwelgahan ng mga kamag-anak last Christmas

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Pinagwelgahan ang isang aktres ng kanyang mga inaanak at kamag-anak noong araw ng Pasko dahil talagang masama ang ugali.

Noon kasing nakaraang Pasko, dinig na dinig siyang pinagagalitan ang kasambahay. Minura ang katulong dahil inihain sa kanyang mga relatives ang chicken salad at ibang masarap na putahe.

“Bakit nilagay mo sa mesa ang mga sinabi ko sa ’yong reserba para sa aking mga bisita mamayang gabi?” sumbat ng artista sa kasambahay. “Paano kung ubusin ng mga patay-gutom na ‘yan? Wala na akong ihahain sa aking mga special guest mamaya.”

Labis na nagdamdam ang kanyang mga relatives, kaya hindi na bumalik sa bahay ng aktres noong Pasko. Nagpapalit pa naman siya ng isang bundle na tig-P100 (bale P10,000) para pamudmod sa mga namamasko. Hindi tuloy nagalaw ang buong bungkos na pera!

Sa halip na malungkot, tila nagdiwang pa, dahil intact ang kanyang cash at walang nakikain na kanyang kamag-anak!

Noranians puro dada lang!

Nakapagtataka naman ang mga iba’t ibang grupo ng Noranians, huling-huli na nang naisip kumilos upang tulungan ang Thy Womb sa takilya.

Nagkaroon sila ng block viewing sa gateway cinema last Thursday, Dec. 27.

Kung noon pa nila ginawa ito, sa simula ng festival last Dec. 25, baka umabot pa sa isang milyong piso ang box office gross ng Nora Aunor starrer.

Nakakalungkot kasi na hindi man lang kumita ng P1 million sa takilya, ang isang premyado at world-class film. Talaga yatang puro dada lang ang mga nakakatsang fans ni La Aunor. Mahusay lang sa pagtili sa mga awards night at sa pakikipagtalakan sa ibang grupo ng mga tagahanga.

Tunay na wala pala kayong binatbat. S.L.N. mga Noranians!

Grupo ng fans, pinagkakakitaan ang kanilang mga idolo

Mukhang totoo ang chinika sa amin na merong pinuno ng isang grupo ng mga fans ang nangunguwarta lang sa kunwari ay iniidolo nilang artista. Panay ang sabi ng magagandang projects sa aktres. Panay naman ang hatag ng kuwarta sa kanila ng artista.

Kapag nabigyan na ng pera, wala namang na-accomplish sa mga pangakong gagawin! Tunay na maraming mga odd jobs sa ating film industry. Isa na rito ang magkunwaring tagahanga, para makahuthot sa mga artista.

Mother Lily tinatabangan na sa MMFF

Pati si Mother Lily Monteverde, nawalan ng ga­ang mag-promote ng Regal Entertainment official entry sa MMFF, Shake, Rattle & Roll XIV: ( The Invasion.)

Dati kasi maraming beses siyang nagho-host ng presscon at todo ang print radio and TV ads.

Tipid na tipid ang promo budget para sa SRR 14. Dahil kaya isa lang ang pumasok na entry from Regal sa filmfest? Dinaan na lang ni Mother Lily sa pag-tour sa ibang bansa. Nakapagli­bang na nga naman siya, hindi pa gumastos ng malaki.

Ang kawalang sigla kaya ng Regal matriarch sa 2012 filmfest ay isang warning na tatamarin na rin siyang mag-produce ng pelikula sa 2013? Huwag naman sana. Baka lalong tumamlay ang industriya, na marami pa namang mga naiuwing mga parangal mula sa iba’t ibang international film festivals, sa taong 2012.

Kung pawang mga indie films ang eeksena sa taon ng ahas, mapipilitan ang malalaking sinehan, na bigyan sila ng magagandang playdates.

Gangnam walang naitulong

sa music industry

Maraming mga survey at trending sa buong mun­do na nanguna ang Gangnam style ni Psy. Kung tutuusin naman, walang gaanong naiambag ang made in Korea music, kundi komersyalismo.

Kahit konting kalidad sa musika, walang naidag­dag ang gangnam.

Asians inisnab sa Golden Globe

kahit Pinoy ang president

Isang Pinoy, si Ruben Nepalas ang pangulo nga­yon ng Hollywood Foreign Press Association, na may pakulo ng taunang Golden Globe Awards. Nakakagulat lang dahil walang Pilipino o kahit Asian man lang ang nakasali sa mga finalist ng Foreign Language Film category sa nasabing awards.

Pero kung kakilala ninyo si Nepales, puwede kayong dumalo sa Golden Globe Awards, kung nagre-request ng formal invitation sa kanya. Tiyak na gusto niyang maraming mga kababayan ang dumalo sa nasabing Hollywood big affair.

vuukle comment

FOREIGN LANGUAGE FILM

GANGNAM

GOLDEN GLOBE

GOLDEN GLOBE AWARDS

HOLLYWOOD FOREIGN PRESS ASSOCIATION

LANG

MOTHER LILY

NORANIANS

PASKO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with