Kris tanggap ang pagka-reyna ni AiAi sa MMFF
Invited ako kahapon sa special screening ng Sisterakas pero hindi ako nagpunta dahil bukod sa malayo ang venue, aabutin ng gabi ang panonood sa pelikula ni Ai-Ai delas Alas.
Ipinaabot ko na lang kay Ai-Ai ang pagbati dahil gaya ng Si Agimat, si Enteng Kabisote at si Ako, mahaba ang pila sa Sisterakas at katuparan ito ng ipinagdasal ni Ai-Ai na isinumpa muna ang celibacy, alang-alang sa kanyang partner na si Jed Galang.
Sa totoo lang, masuwerte si Ai-Ai sa kanyang career dahil hindi nagbago ang ugali niya, kahit sumikat siya. Maraming dusa ang pinagdaanan niya bago niya narating ang superstar status.
Hindi siya katulad ng ibang mga komedyante na hindi marunong lumingon sa pinanggalingan, hindi marunong magpasalamat at mag-share ng blessings. Uulitin ko, mahirap nang mapantayan ang achievements ni Ai-Ai. Nag-iisa lamang siya.
Tanggap ni Kris Aquino na may magic si Ai-Ai sa MMFF. Mismong si Kris ang nag-post sa kanyang Twitter account sa resulta sa takilya ng Sisterakas sa unang araw nito sa mga sinehan. Ito ang tweet ni Kris:
“We set a record. Highest single day earnings for any Philippine film in history! P40.7million Sisterakas! Congrats to the MMFF Queen AiAi!”
Jinggoy, ama at anak lang ang ikakampanya!
Ipapangampanya ni Senator Jinggoy Estrada ang kanyang ama at anak, wala nang iba pa!
Kakandidatong alkalde ng Maynila si Papa Joseph Estrada at tatakbong konsehal ng San Juan si Janella, ang panganay na anak nina Papa Jinggoy at Precy.
Huwag n’yo nang bigyan ng malisya ang statement ni Papa Jinggoy na sina Papa Erap at Janella lamang ang tutulungan niya na mangampanya dahil ‘yon ang kanyang choice. No more, no less.
JV malakas ang dating sa masa
Kakandidatong senador si Congressman JV Ejercito, ang half-brother ni Papa Jinggoy. Nag-simula nang mag-ikot si Papa JV sa buong Pilipinas at happy siya sa resulta dahil kilalang-kilala na siya ng mga tao.
May magic talaga sa masa ang name ni Papa Erap Estrada dahil pasok agad sa Top 10 Senatoriables si Papa JV. Big help sa kanyang kandidatura ang relasyon niya kay Papa Erap na hindi pa rin kumukupas ang karisma sa masa.
Kampanya, lalarga na pagka-Bagong Taon
Tapos na ang Pasko, ang pagpasok ng Bagong Taon ang pinaghahandaan ng lahat at pagkatapos nito, ang pangangampanya ng mga kandidato sa May 2013 elections!
Magiging busy ang mga artista na tatakbo sa darating na eleksiyon, pati na ang mga artista na magkakaroon ng maraming raket sa pamamagitan ng pangangampanya sa mga kandidato, taga-showbiz man o hindi.
- Latest