Tindera at mga batang nangungupit may ‘Engkwentro’
MANILA, Philippines - Aaksyunan ni Karen Davila ang bangayan sa pagitan ng isang tindera at tatlong menor de edad na namumuslit umano ng paninda sa Pamaskong handog ng Pinoy True Stories: Engkwentro ngayong Martes, Dec. 25, sa ABS-CBN.
Nagkakakuntsabahan ang magkakaibigang sina Aron, Ren-Ren, at Kenneth, pawang mga anim at pitong taong gulang na nangungupit ng mga chichiria sa tindahan ni Aling Marietta sa Baseco. Nang mahuli na tuloy ang mga paslit ay agad na isinumbong sila sa barangay, ngunit dahil mga menor de edad ay damay pati ang kanilang mga magulang sa gulo.
Kuwento naman ng isang batang natagpuan sa basurahan ang itatampok nina Maan Macapagal at Dominic Almelor sa Pinoy True Stories: Saklolo bukas, Miyerkules (Dec. 26).
Inihingi ng saklolo ng ilang kawani ng isang barangay sa Parañaque ang bata matapos itong mapulot ng isang babae sa may Coastal Road. Sa tantiya nila, humigit kumulang tatlong taong gulang ito. Bukod sa hindi ito nakakalakad at nagsasalita, nadiskubre ring may cerebral palsy ito nang ipasuri.
Abangan ang Engkwentro ngayon at ang Saklolo naman bukas sa ABS-CBN, 4:45 p.m. sa Kapamilya Gold.
- Latest