^

Pang Movies

Toni Gonzaga may ‘kakambal’ na DJ!

REBYUWER KIBITZER - Jhi D. Gopez - Pang-masa

Ang lakas yata ng impluwensiya ni Toni Gonzaga sa isang lady radio disc jockey (DJ). Nakukuha na ni Ms. DJ ang boses at istilo ng pagpapatawa ng Kapamilya singer-actress-TV host.

Baka sa sobrang pagkaaliw ng FM DJ kay Toni ay hindi na niya napapansin na nakokopya na niya ang antics ng idolo niya.

Kung sabagay hindi si Ms. DJ ang kauna-unahang nag-ala celebrity ang dating sa himpapawid dahil marami na ring ibang radio caharcter na kapag pumatok o in na in ang isang TV personality ay nagkakaroon ng radio version nito.

Naalala ko noong kasagsagan ng TV career ni Love Anover sa GMA 7 ay biglang nagkaroon din ng maingay na female radio host pagkatapos ng ilang taon. Sumunod naman ay ‘yung parang bit player na comedienne ng Siete na maingay tumawa. Meron ding parang nag- ala-Winnie Cordero.

Iilan na lang ang nagiging FM radio “star” dahil sa sariling istilo sa pagho-host.

Proyekto ng Jam tagumpay!

Ang ganda ng ginawang Christmas project ng Jam 88. 3 nitong nakaraang linggo. Araw-araw, umaga’t gabi, ay may sumisingit na guest band sa kanilang booth para mag-acoustic set sa Jingle Bell Jam.

Isa itong kampanya ng nabanggit na radio station para ipaalam sa listeners na nangongolekta sila ng mga lauran o kahit anong gamit na pang-bata.

“Two years ago pa nagsimula ang charity drive ng Jam para sa aming Project Brave Kids sa Philippine Children’s Medical Center,” imporma ni Eric Perpetua, station manager ng Jam 88. 3.

Dagdag pa niya, ang mga tumugtog ay hanggang nung Biyernes lang pero ang mga donasyon ay hihintayin nila hanggang bukas ng umaga.

“Then ide-deliver namin sa morning ng December 24 as Christmas gifts for the kids sa pediatric ward ng Quirino Memorial Medical Center.”

Lahat ng mga nagpaunlak na tumugtog sa Jingle Bell Jam, na kumakanta ng isang Christmas song bukod sa isa o dalawang original hit ng banda, ay tuwang-tuwa sa ginawa ng istasyon at naging bahagi sila ng makabuluhang proyekto.

Ang ilan sa mga napakinggan kong naki-jam ng live ay sina Kitchie Nadal, Callalily, Moonstar88, Gracenote, at Ebe Dancel. Pero nasa Facebook ang mga larawan ng iba pang bumisita tulad nina Kenyo, Barbie Almalbis, Rocksteddy, Ge­neral Luna, Bloomfields, All For Patricia, Reklamo, at Brownman Revival. Pati sina Jay Durias, Paolo Santos, at Luke Mejares ay pumunta rin.

Sang-ayon ang lahat na ang Pasko ay para sa mga bata. Tulad ni Basti Artadi ng Wolfgang na puring-puri ang mga nasa likod ng Jam 88.3.

Bilang ama na rin sa dalawang anak, malambot ang puso ng Tisoy na bokalista sa pagsasabing mabuti at naisip pang bisitahin ang mga batang may sakit sa ospital at hahandugan pa ng mga regalo ng Jam 88.3.

Mayan calendar hindi pinatulaN sa radyo

At dahil usapang radyo na rin lang, kapansin-pansin na bihira ang mga nagko-komentong DJ tungkol sa end of the world ng Mayan calendar. Inawat kaya sila ng kani-kanilang management?

Ito ay kung ikukumpara sa baliktaktan sa mga social networking site ha? Walang tigil kasi ang palitan ng mga opinyon sa prediksiyon na magugunaw na dapat ang mundo noong Dec. 21. May mga nang-aasar din at nakagawa pa ng mga Mayan pick-up line.

Siguro ang mensahe na lang, tutal Pasko naman, mahalaga na unahin na lang talagang isipin ang Diyos at hindi ang mga kababawan.

May ipare-rebyu? E-mail: [email protected]

ALL FOR PATRICIA

BARBIE ALMALBIS

BASTI ARTADI

BROWNMAN REVIVAL

EBE DANCEL

ERIC PERPETUA

JAM

JAY DURIAS

JINGLE BELL JAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with