^

Pang Movies

Bwakaw at iba pang Asian films ‘di nakalusot sa Oscars

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Nakakalungkot naman na hindi pa rin nakapasa ang entry ng Pilipinas na multi-awarded movie sa maraming international film festivals, ang Bwakaw, sa shortlist ng best foreign language film category ng 85th Academy Awards, o ang Oscars.

Pero nagpapasalamat ang producer-director na si Jun Lana sa lahat ng sumuporta sa Bwakaw na tinampukan ni Eddie Garcia na ilang beses ding nanalo ng best actor award sa mga international film festival here and abroad. Napansin namin sa list ng mga napili na walang nakuha mula sa Asian producers.

Lead stars ng mga pelikula sa MMFF, hindi puwdeng mag-absent

Mamaya at exactly 2:00 p.m., since si Atty. Francis Tolentino ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang siya ring executive chairman ng Metro Manila Film Festival (MMFF), ay inaasahang matutupad ang itinakdang oras ng paglalakad sa Parade of Stars. This year, magsisimula ito sa Quirino Grandstand sa Luneta, Manila City at magtatapos sa SM Mall of Asia sa Pasay City. Ang arrangement ng floats ay depende sa kung ano ang mabubunot ng walong pelikulang ipalalabas simula sa Dec. 25.

Tiyak ang pagdalo ng lead stars ng bawat pelikula dahil may multa ang producer na hindi mapasasakay sa float nila ang kanilang mga artista. 

Congratulations sa mga pelikulang na-review na ng Cinema Evaluation Board (CEB). Nabigyan ang A ang Thy Womb nina Nora Aunor, Lovi Poe, at Bembol Roco na idinirek ni Brillante Mendoza; ang El Presidente ni Laguna Gov. ER Ejercito, kasama sina Cristine Reyes at Nora, under Scenema Concept; ang One More Try nina Angelica Panganiban, Dingdong Dantes, Angel Locsin, at Zanjoe Marudo ng Star Cinema at ang Shake, Rattle and Roll ng Regal Films nina Dennis Trillo, Vhong Navarro at Lovi Poe. 

Nabigyan naman ng B grade ang Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Si Ako nina Sen. Bong Revilla, Jr., Vic Sotto, at Judy Ann Santos ng Imus Productions, M-Zet Productions, OctoArts Films, APT Entertainment at GMA Films; The Strangers nina Julia Montes, Enchong Dee, JM de Guzman ng Quantum Films; Sisterakas nina Vice Ganda, AiAi delas Alas, at Kris Aquino ng Star Cine­ma. 

Sad to say, hindi magagamit ng mga producer ang rebate nila sa box-office returns ng kanilang pelikula mula Dec. 25 to Jan. 8. Kung extended ang kanilang mga pelikula after the film festival, saka pa lamang nila magagamit ang rebates. Ipi­naalaala rin na hindi puwedeng gamitin ang MMFF season pass para sa walong pelikula sa opening day, sa Christmas day. Hindi rin puwedeng gamitin ang deputy cards mula sa Movie Television Review & Classification Board (MTRCB) sa entire showing ng movies during the festival.

Ang 38th MMFF Awards Night ay gaganapin sa Thursday, Dec. 27, sa Meralco Theater, to be produced by Viva Entertainment.

ACADEMY AWARDS

ANGEL LOCSIN

ANGELICA PANGANIBAN

AWARDS NIGHT

BEMBOL ROCO

BONG REVILLA

BRILLANTE MENDOZA

BWAKAW

LOVI POE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with